^

PSN Showbiz

Pacman mas sikat ngayon

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you.

Anniversary bukas ng pinaka-binabasang diyar­yo sa bansa. Hindi lang dahil dito ako nagsu­sulat at ito ang naglalabas ng pinaka-sari­wang ba­­­­lita kundi dahil napaka-wholesome rin ng diyar­yong ito.

Sa mga diyaryong binabasa ko sa aking prog­rama sa radyo, pinakamarami ang nagri-react ka­pag ang balita ay nagmumula na sa Pilipino Star NGAYON (PSN). May sumasang-ayon at may ku­mo­kon­tra, at marami ang nagbibigay ng opinyon.

Sana tumagal pa ang ganitong pamamahala sa PSN.

Let the paper sell sa pamamagitan ng mga bali­tang dala nito at hindi sa pamamagitan ng mga sen­­sationalized news na puro titulo at walang sub­s­tantial body.

Tama na rin ’yung paglalagay ng mga seksing katawan sa front page, nagbebenta rin ng diyaryo ang mga magagandang mukha.

* * *

Congratulations kay Manny Pacquiao, pina­saya na naman niya ang kanyang mga kaba­ba­yan sa pa­ma­magitan nang pagkakapanalo kay Jo­shua Clottey nung Linggo. Marami lang ang na­galit dahil na-delay ang panonood nila nang mag-brownout. Buti na lang, walang knockout, dahil kung nagkataon, hindi patatawarin ng mga manonood ang Meralco.

First defeat daw ito ni Clottey at sa kamay pa ng isang Pilipino kaya mas hinahangaan at isang mas sikat na personalidad ang ating sasalubungin pag-uwi ni Manny.

Pero bilib ako kay Manny ha? Nagawa pa ni­yang mag-perform sa isang concert pagkatapos na pagkatapos ng kanyang laban. Parang hindi siya napagod.

Ito ang ikinahahanga natin kay Manny, he is such a lively person. Alam niya ang kiliti ng mga Pinoy, alam niya kung paano sila pasasayahin.

Ngayon, ang kailangan niyang harapin ay ang kanyang kan­didatura but with his latest win, sapat na itong kampanya para iboto siya ng mga kapwa niya Bisaya.

* * *

Congratulations sa The Red Shoes na tina­tampukan nina Marvin Agustin, Nikki Gil at ma­rami pa, at prodyus ng Unitel Pictures, dahil nabig­yan ito ng A rating ng Ci­ne­ma Evaluation Board.

Bago ang direktor nito na nagngangalang Raul Jor­dan at ang istorya na hango sa mga sapatos ni dating Unang Ginang Imelda Marcos ay sinulat ni James Ladioray at ginawang isang kakaibang love story.

* * *

I’m sure dudumugin ang Changing Lives con­cert na magaganap sa Marso 27 sa Mall of Asia Concert Grounds at magtatampok sa tour ng Tim­baland Shock Value11, if only for the fact na mag­gi-guest si Justin Timberlake.

Pag-iipunan sigu­rado ito ng pera ng ma­raming kababaihan para lamang makita ang napaka-po­pular at guwapong manganganta. Kung bakit daw naman kasi guest lang ito, limitado ang mapa­pa­no­od nila, saman­talang puwede naman itong mag-live sa solo concert dito na siguradong kikita ng malaki dahil nga isang malaking perso­nalidad si Justin Timberlake.

vuukle comment

CHANGING LIVES

CLOTTEY

EVALUATION BOARD

JAMES LADIORAY

JUSTIN TIMBERLAKE

MALL OF ASIA CONCERT GROUNDS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with