Andrew E. may radio station sa internet
MANILA, Philippines - Ini-endorso nina Alfred Vargas at rapper ng masa Andrew E. ang kandidatura ng Ang Kasangga sa Kaunlaran (Ang Kasangga) upang katawanin ang marginalized sector ng formal at informal micro-entrepreneurs sa kongreso.
Dumalo ang dalawa sa national assembly at launching ng Ang Kasangga kamakailan sa Mandarin Oriental Hotel sa Makati City.
Sina Vargas at Andrew E. ay kapwa aktibong miyembro ng Ang Kasangga mula pa noong 2006.
Samantala, parehong de-kalibre ang dalawa hindi lang bilang mga bahagi ng showbiz kundi bilang negosyante. Noong September 2007 ay binuksan ni Alfred ang Best Fred, isang barbeque restaurant sa Cainta, Rizal, kasama ang kanyang non-showbiz friend. Kabilang din siya sa 12 celebrity-owners ng sikat na Barrakz Bar and Restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.
Siya ay graduate ng AB management sa Ateneo de Manila University at nagmamay-ari rin ng Mondial Café sa Tiendesitas at ng chain ng mga kiosks na nagbebenta ng iba’t ibang novelty items sa halagang P20 lamang, na kilala rin bilang Vente, at may 30 sangay na ngayon.
Si Andrew E. naman matapos madiskubre ni Ramon “RJ” Jacinto sa Euphoria habang kumakanta ng Humanap Ka ng Panget, ay naging popular star sa music, films, at television.
Bukod sa kanyang clothing line na DonGalo, ang rapper ay founder din ng Dongalo Wreckords na nag-o-operate sa isang all-music Dongalo power radio at tanging Internet radio station sa bansa na nagpi-feed ng live gamit ang Europe’s 3.5 TeraBytes streaming technology.
- Latest