Mark Herras hindi naghahabol sa PP
Nag-pictorial na ang singing tandem na ito para sa sisimulang bagong show, pero hindi pa rin pala sigurado kung makakasama sila dahil tuloy pa rin ang negosasyon nila sa management ng network kung saan sila konektado.
Talent fee ang problema para matapos na ang negosasyon dahil sabi raw ng management ng dalawang singers, mataas ang offer sa kanila ng TV5. Ang hindi alam ng dalawang singers at kampo nito, dahil digital na ngayon, madaling na-check kung true ang na-quote ng kampo nila na handang ibayad ng TV5 sa dalawa ‘pag ginusto nilang lumipat.
Nabuking na ginagamit lang ang TV5 para ibigay ang hinihinging TF ng dalawang singers at hindi ito nagustuhan ng network. Bakit daw sina Maricel Soriano, Ruffa Gutierrez, Paolo Bediones, Ryan Agoncillo, at Dolphy na top artists at multiple ang show sa TV5, hindi nag-demand ng OA sa laking TF gayung mas sikat ang mga ito sa kanila?
Ang payo ng tao ng TV5, tigilan ng dalawang singers at kampo nito ang mamangka sa dalawang networks at baka masira ang pinaghihirapan nilang career.
* * *
Nagpapalabas na ng teaser ng Party Pilipinas, pero ‘di pa maaninag ang mukha ng mga nagpo-promote na kasama sa show. Pero may nagbigay na sa amin ng names ng mga kasama sa show at ‘di namin nabasa ang pangalan ni Mark Herras at ng grupong SH3 na paniwala namin, may mga karapatang masama sa show.
Bukod sa mahusay sumayaw si Mark at ang SH3 na binubuo nina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon at LJ Reyes, homegrown talents sila ng GMA 7 kaya dapat inaalagaan. Maganda ang concept ng SH3, hindi lang nabigyan ng enough time na ipakita ang kakayahan nila dahil ilang weeks pa lang nabuo at ipinakilala, tsinugi na agad.
Si Mark naman daw ay hindi na naghahabol hindi man mapasama sa Party Pilipinas dahil sa SOP palang, naguluhan na ito. Kaya lang, kumpara sa ibang kasama sa show, mas may karapatan si Mark dahil mahusay sumayaw at kilala ng viewers at ‘di na huhulaan ang name.
* * *
May Twitter account kaya si Leo Dominguez, ang manager ni Lovi Poe? Nabasa kaya nito ang na-post ng singer-actress last Saturday sa Twitter na parang nagrereklamong binigyan siya ng trabaho ng manager, kasabay ng laban nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey?
Sabi ni Lovi: “can’t believe I’ll be working during Manny’s fight argh! Surely, I will be hella cranky.” Sinundan pa ng “Ang hirap ‘pag napipilitan kang gawin ang certain project, project na ayaw mo, napilit kasi ng manager argh! Waaah! Hehehe!”
Inaalam namin kung anong trabaho ang tinukoy ni Lovi, pero up to now hindi pa rin namin alam kung ano ‘yun.
In fairness, bago ang post na ‘yun, masayang ibinalita ni Lovi sa followers niya sa Twitter na Kapuso pa rin siya dahil nag-renew ng three-year contract sa GMA 7 at kasama siya sa Party Pilipinas at Captain Barbell.
* * *
Sa Last Prince, hahalikan ni Almiro (Aljur Abrenica) si Bawana (Bianca King) at nawalan ito ng malay. Nang magising si Bawana, saka nalamang kinuha ni Almiro ang kanyang bote at ginamit para putulin ang makapangyarihan niyang kamay.
Tatalikuran na ni Almiro ang tungkulin sa kaharian dahil piniling bumalik sa mundo para kay Lara (Kris Bernal). Si Lara nama’y maiiyak sa sobang kabaitan ni Nikolai (Daniel Matsunaga) at magki-kiss ang dalawa.
- Latest