Kasal wala sa bokabularyo nina Derek at Angelica
Natatawa na lamang si Angelica Panganiban dahil mas excited pa kaysa ang maraming bisita sa kasal ni Camille Prats nang masalo niya ang bridal bouquet na inihagis nito.
“Kinukulit nila ako, maghanda na raw ako dahil ako na ang susunod na ikakasal. Sabi ko na lang sa kanila, malayo pa ito. Hindi pa namin ito napag-uusapan ni Derek Ramsay dahil naka-focus pa kami sa marami at importanteng bagay, tulad ng aming career. Isa pa, kababati lang namin tapos gusto n’yo na agad kaming ipakasal. Hindi ganun kaalang-alang. Huwag ako ang kulitin n’yo, babae ako. Lalaki ang nagpo-propose,” pag-iwas ng seksing aktres.
Marami ang natuwa when finally ay nagbalikan ang dalawa matapos ang ilang linggong hindi pagkakaunawaan. Bago ito, nag-alala sila para kay Angelica, lalo na nang ikinakabit na ang pangalan ng nobyo nito sa kung kani-kaninong pangalan, tulad ng sa isang miyembro ng isang kilalang grupo ng dancers at sa isang ex girlfriend nito. Akala ng fans ng dalawa ay napapatungan na ang pato ni Angelica.
They were not meant to stay apart for too long. Bahagi lang ng growth ng kanilang union ang naganap, isang pagsubok na nangyayari sa lahat ng may relasyon.
“It made me more mature, lumawak ang pag-iisip ko,” pag-amin ni Angel.
* * *
Ngayon parang hindi na itinatanggi ni Ruffa Gutierrez na nagkaroon sila ng “something” ni John Lloyd Cruz.
Ito ang ipinangangamba niyang ibig sabihin ni Yilmaz Bektas na pangyayari sa kanya. Nakakahinga lamang siya ng maluwag dahil matataong nasa abroad si John Lloyd kapag bumisita ng bansa ang dating asawa ni Ruffa para dalawin ang mga anak nito sa kanya.
Parang kailan lamang ay panay ang tanggi niya sa sinasabing relasyon nila ng aktor. Kahit na may mga lumalabas na ebidensiya tulad ng mga larawang kuha sa kanilang dalawa sa internet ay walang naging pag-amin sa kanilang dalawa. Kung ito ang ibig sabihin ng ex ni Ruffa, she can always deny it.
* * *
Sa tila pag-aatubili ni Angel Locsin na tanggapin ang seryeng Si Kokey at Ako, ibinigay na tuloy ito ng ABS-CBN kay Toni Gonzaga. Sila na ni Vhong Navarro ang magkakapareha sa nasabing serye. Unlike Angel, welcome kay Toni ang serye dahil pambata ito. Hindi niya ipinalalagay na so-so lang ang magiging role niya sa series dahil lead role naman ito. Kahit pa si Kokey ang title role at kasama sa series ang Melason tandem nina Melissa Cantiveros at Jason Francisco.
“It’s a good project, it will reunite Vhong and I. matagal na rin kaming hindi nagkakasama sa isang project,” ani Toni.
* * *
Happy anniversary sa Pilipino Star Ngayon (PSN). Twenty four years old na ito ngayon. Ganito katagal na pala akong nagsusulat sa diyaryong ito. Ang 22 years ko rito were spent behind a desk, bilang associate ni Oscar Miranda (SLN) at later on bilang entertainment editor, nang mag-retire ito. As editor, naging associate ko si Andi Garcia, tapos si Ferdinand Serrano at pinakahuli ang kasalukuyang editor nito ngayon na si Ms. Salve Asis.
Mahirap maging editor, dapat alam mo ang mga huling kaganapan sa showbiz. Dapat updated ka sa mga nangyayari, kahit nasa loob ka lamang ng opisina para alam mo kung tama o mali ang isinusulat ng mga writers mo.
Nung una akong magtrabaho sa PSN na dating APN (Ang Pilipino Ngayon), dalawa lang kaming trabahador, ang editor at ako. Bukod sa APN ay nagkaroon din kami ng tabloid magazine, ang Star Ngayon na “baby” ng ina ng aming publisher na G. Miguel Belmonte, si Mrs. Betty Go-Belmonte. Sayang at hindi ito nagtagal dahil matrabaho.
Nakaya naming patakbuhin na kaming dalawa lamang ni G. Miranda, ang PSN at Star Ngayon, mula sa editing hanggang sa copy reading, lay-outing, proofreading, hindi namin ito binibitawan hangga’t di nailalatag sa stripping.
Madalas habang hinihintay na mailatag ito ay nanonood muna kami ng sine sa Recto. Pagkatapos ng last full show, konting hintayan na lamang at okay na ito. Kung natataon sa coup d’etat, sa opisina na kami nagpapa-umaga.
Nang magtagal, dumating na sina Emy Abuan, Edna Constancia na naging editor-in-chief ng PSN. Nakadiskubre rin kami ng mga manunulat sa katauhan nina Roldan Castro at Ronnie Carrasco.
Ngayon hi-tech na ang PSN. Marami na ring tao ang nagpapatakbo nito, ang gumagawa nito. Pero ang hindi nagbabago ay ang kalidad ng trabaho, serbisyo at impormasyon na ibinibigay nito sa mga tao.
- Latest