^

PSN Showbiz

Nagsasalitang mag-isa at palabuy-laboy na lang, Cita Astals may sayad na?!

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Palabuy-laboy sa isang lansangan sa Maynila, may dalawa hanggang tatlong araw suut-suot ang iisang damit, nagsasalita nang walang kausap. Kung paniniwalaan ang mga taong nakakakita sa kanya na pakalat-kalat sa Pasig Line sa Lungsod ng Maynila, ito ngayon ang tila kalunus-lunos na sinapit ng dating aktres-pulitiko na si Cita Astals.

Although she traces her roots to showbiz, Cita became controversial during her term as councilor of Manila. Madalas niyang makabangga noon ang mga reporters covering the Manila City Hall sa hayagang pagbatikos sa kanyang “improper dressing” tuwing may session.

But it is a thing of the past now. Wala na nga sa konseho ang natalong pulitiko, whose electoral fate is believed to have plunged her into a state of mental instability. Iisa lang ang sinasabi ng kanyang mga kapitbahay at maging ang mga nakakakita sa kanya sa area malapit sa Sta. Ana Church — ang dating ismarte at postoryosang Cita Astals ay pabaya na sa kanyang hitsura, hinihina­lang may “sayad”, at kailangan nang ipa-rehab.

Pero in denial si Cita, hindi naman siya addict para ipasok sa isang institusyong nangangalaga ng may ganoong kaso. Hindi naman din nagsisilbing place of refuge ang kanyang tahanan sa Pasig Line, dahil sinisilip lang niya ito at hindi tinutulugan. Paano naman din kasi pipirmi si Cita sa kanyang bahay kung putol ang mga utilities nito, tulad ng tubig at kuryente?

Huwag na marahil sa hanay ng mga kapwa niya konsehal sa Maynila noon at ngayon, baka may ngiti pa ng pag-asang sisilay kay Cita kung pangungu­nahan ni Manila City Vice Mayor Isko Moreno — na galing din sa showbiz — ang pagtulong sa kabaro, the lady is a tramp.

* * *

Kahapon na opisyal nagsimula ang Season 8 ng Talentadong Pinoy, one that its host Ryan Agoncillo considers as a resounding breakthrough as far as talent search on Philippine TV is concerned.

Initially, ang inasam lang ni Ryan at ng production team nito ay mapantayan man lang ang itinagal sa ere ng Sing-Galing which lasted till Season 7. Kung nananatili man na nangunguna sa ratings ang Talentadong Pinoy, ani Ryan, dumanas din sila ng “birth pains” as it took all of eight months bago ito pumalo nang bonggang-bongga.

Sinegundahan din ito ni Perci Intalan, head of entertainment and creative services ng TV5. At the onset, napaka-simple lang naman ang inilatag nilang mechanics. But their community outreach, para sa akin, is what sets the talent show apart from the other shows which have followed suit.

* * *

Thanks to his endearing quality as a partner, one for the books ang pag-guest kagabi ni Coney Reyes sa Who Wants to be a Millionaire hosted by her ex-sweetheart Vic Sotto. Of course, the romance all started in Eat Bula­ga, and it ended some­where. As to who between Vic and Coney called it quits, hindi na mahalaga.

ANA CHURCH

CITA

CITA ASTALS

CONEY REYES

EAT BULA

MANILA CITY HALL

MAYNILA

PASIG LINE

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with