Magiging anak nina Ryan at Juday inaabangan na
Binabati ko ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil kinumpirma na ng doktor matapos ma-ultrasound si Juday na nagdadalangtao nga ito. Walang pagsidlan ng katuwaan ang mag-asawa nang malaman ito. Hindi kasi sila makapagsalita before hangga’t walang kumpirmasyon na nagmumula sa kanilang doktor.
Ang susunod namang malaking pahulaan ay kung lalaki ba o babae ang magiging anak nila.
* * *
O isa nang pelikula ang napakaraming sapatos ni dating Unang Ginang Imelda Marcos. Ito ang tema ng pelikula nina Marvin Agustin at Nikki Gil na pinamagatang The Red Shoes na tungkol sa pagkawala ng isang pares ng sapatos ni Madam Marcos na ninakaw ng isang kabataang lalaki at ibinigay sa batang babae na kanyang minamahal.
Panoorin n’yo ito dahil kakaiba, kahit pa ang tema ay alam n’yo na.
* * *
Sino naman ang maniniwala na ikakasal na nga sina Dingdong Dantes at Marian Rivera? Ano sila nagtatampo sa pera eh kasagsagan pa ng loveteam nila ngayon?
Kapag nagpakasal na sila ay bababa ang interes ng manonood sa kanilang dalawa. Which might spell the end of their careers.
Eh ang babata pa naman nila. Hindi pa ito ang panahon. Bakit hindi na lamang nila samantalahin ang kasikatan nila at mag-ipon habang kumikita sila para kapag nag-asawa na sila at hindi na sikat na artista ay marami na silang ipon.
Parang lumang isyu na yata ito? Tama na.
- Latest