Jennifer, Niña at Rocksteddy nasa Seasports Festival
MANILA, Philippines - Ang kilalang Viva Hot Babe na si Jennifer Lee, kasama ng dating PBB housemate na si Niña Jose, at ang bandang Rocksteddy ay magtatanghal sa awarding ng Manila Bay Summer Seasports Festival, na gaganapin sa ika-21 ng Marso, alas-siyete ng gabi sa harap ng Rajah Sulayman Park sa Baywalk.
Handog ng Manila Broadcasting Company at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Summer Seasports Festival ay magsasagawa ng mga labanan sa Dragon Boat Racing at stock/formula races ng mga bangkang de-motor.
Ilan sa mga koponang kalahok sa Dragon Boat Mixed-Open championships ay ang Camarines Sur Dragon Boat team, Philippine Navy, Philippine National Police, Dragon Pilipinas, Manila Dragons, Triton, One Piece Dragon Sangress, Manila Wave, Manila Blazing Paddles, Manila Ocean Park, Rowers Club Philippines, Maharlika, PYROS, De La Salle, UP, San Beda, at ang PDRT Fireblades
Nakatala namang lalahok ang batikang mga bangkero mula Cebu, Iloilo, Ilocos Sur, La Union, Cavite, Quezon, Batangas, Bulacan, Surigao, Mindoro, Leyte, Aklan, Navotas, at Tondo.
- Latest