^

PSN Showbiz

Barbie at Mr. Bean nasa DVD na!

-

MANILA, Philippines - Ang mga animated series na Barbie, The Land Before Time, at Mr. Bean ay mapapanood na sa video.

Ang pinaka-sikat na manyika sa buong mundo na si Barbie ay buhay na buhay at nagniningning sa kanyang iba’t ibang pagganap bilang prinsesa, diwata, estudyante, diva, at marami pang iba. Tiyak na mamamangha sa makukulay na kaganapan at maraming matututunan sa mga istorya, kaya’t kolek­tahin na ang lahat ng titulo sa Barbie Animated Series : Rapunzel, Fairytopia, Barbie Diaries, The 12 Dancing Princesses, The Island Princess, The Diamond Castle, A Christmas Carol, Thumbelina, Mariposa at Magic of the Rainbow

Ang The Land Before Time ay isang tanyag na pelikula noong dekada ‘80 mula sa direktor na si Don Bluth at mga batikang producers na sina Steven Spielberg at George Lucas. Ito ay tungkol sa mga batang dinosaurs na naglakbay patungo sa isang mapayapang lugar na kung tawagin ay Great Valley.

Dahil sa ang kuwento ay hindi lamang kaaya-aya, kundi puno ng inspirasyon at nagmumulat sa kahala­gahan ng pagkakaibigan at pagkakaisa, ang mga pangunahing karakter na sina Littlefoot, Cera, Spike, Ducky at Petrie ay nagbabalik sa iba pang makabuluhang kuwento.

Mula sa isang serye sa telebisyon, ang wa­lang-imik na si Mr. Bean ay nakilala sa kanyang kuwelang mga aksiyon at makulit na pagharap sa iba’t ibang sitwasyon. Ngayon, tuluy-tuloy ang katatawanan dahil palabas na sa video ang kakaibang Mr. Bean Animated Series, na para sa buong pamilya. 

Mabibili sa original DVD at VCD copies sa inyong paboritong video stores nationwide.

vuukle comment

A CHRISTMAS CAROL

BARBIE

BARBIE ANIMATED SERIES

BARBIE DIARIES

DANCING PRINCESSES

DIAMOND CASTLE

DON BLUTH

GEORGE LUCAS

LAND BEFORE TIME

MR. BEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with