^

PSN Showbiz

Parehong dating may-asawa, dalawang brodcaster hindi na itinatago ang relasyon

RATED A - Aster Amoyo -

Sa presscon na ipinatawag ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde para sa mag-asa­wang senatoriable Ralph Recto at Gov. Vilma Santos, ma­sayang ipinahayag ng Star for All Seasons na ma­sayang-masaya siya sa napi­pin­tong pagbabalik-show­biz ng kanyang kumareng si Nora Aunor. Ipi­nag­­tanggol pa ng mommy nina Luis Manzano at Ryan Christian Recto ang gina­wang beauty en­hance­­ment ni Guy sa Japan. Bu­kod kay Vi, natutu­wa rin ang comedy king na si Dolphy sa balitang pag­babalik-showbiz ni Guy.

Hindi pa man nakakabalik ng Pilipinas si Guy ay tila nabubuhay na naman ang Guy and Vi rivalry, isang indikasyon na in full force pa rin talaga ang mga No­ranians at Vilmanians kahit matagal na naging in-ac­tive si Guy at si Vi naman ay mas con­centrated na sa kanyang role bilang isang public servant.

Since usung-uso ngayon ang pagsasama sa isang pelikula ng mga major stars tulad ng pagsa­sama nina Vi at megastar na si Sharon Cuneta, Dol­phy at Vic Sot­to, Sharon at Judy Ann Santos, Sen. Bong Re­villa, at Phillip Salvador, hindi rin impo­sib­leng mag­sama sa isang pelikula sina Guy at Vi, isang major event kapag ito’y nangyari. Si­yem­pre pa, kaila­ngang matindi rin ang required ma­terial para mapasang-ayon sina Guy at Vi na magsama sa pelikula.

Samantala, parehong honored sina Gov. Vi at Sen. Ralph sa suportang ipinakita sa kanila ni Mo­ther Lily. Kung noon ay identified sina Sen. Ralph at Gov. Vi. sa kasalukuyang administrasyon, nga­yon naman ay ka­alyado sila sa partido Liberal ni Sen. Noynoy Aquino na siyang standard bearer sa panguluhan.

* * *

Totoo ka, Salve A., sa larangan ng pulitika, may mga magkakamag-anak at magkakaibigan ang nagkakasira nang dahil lamang dito, dahil na rin siguro sa kanilang iba’t ibang paniniwala at paninindigan. Ang ex-husband ni Gov. Vi na si Edu Manzano ay kandidato sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Administration party.

Tumatakbo sa ikalawang term bilang governor ng Batangas si Gov. Vi kahit ilang pulitiko ang nanunuyo sa kanya para hikayatin siyang tumakbo sa pagka-vice president, bagay na hindi niya kinagat dahil marami pa umano siyang ma­gagandang proyekto na gustong matupad sa buong Batangas.

Kung maganda ang track record ni Vi bilang three-term mayor ng Lipa City at one-term governor ng Ba­tan­gas, hindi magiging imposible ang muli niyang panalo sa ikalawang termino sa pagka-governor.

Kung hindi naman pinalad nung huling halalan si dating Sen. Ralph Recto na muling maluklok na sena­dor dahil sa kanyang pagiging author ng VAT o value added tax na nagbigay ng dagdag na pasanin kay Juan de la Cruz, mukhang mabango na naman ngayon ang pangalan ng mister ni Gov. Vi at malamang na muling mabalik sa senado.

* * *

Mukhang open na ang relasyon ng dalawang kilalang TV news perso­nalities na ito dahil madalas na silang makitang magkasama sa maraming okasyon.

Parehong may-asawa at hiwalay na sa kanilang respective partners ang dalawa kaya lantaran na rin ang kanilang relasyon.

At sa totoo lang, bagay silang dalawa at tanggap na rin ito ng kanilang mga anak at pamilya ganoon din sa TV network na kanilang pinaglilingkuran.

* * *

[email protected]

ALL SEASONS

BATANGAS

BONG RE

EDU MANZANO

GUY

GUY AND VI

JUDY ANN SANTOS

RALPH RECTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with