^

PSN Showbiz

Fans ni Toni ayaw din sa Kokey

- Veronica R. Samio -

Hindi naman siguro nakapagtataka kung mapa­nood man natin si Janice de Belen hindi lamang sa GMA 7 kundi maging sa iba’t ibang istasyon ng telebis­yon. Matagal nang wala sa ere ang programa nilang mag­kapatid na si Gelli at maging ni Carmina Villaroel, ang SiS.

Pumirma na si Gelli at Carmina ng panibagong kon­­trata sa GMA at ganito rin sana ang inaasahan kay Janice pero bakit mapapanood siya sa ABS-CBN sa Sabado ng gabi sa malaganap nitong programang Maalaala Mo Kaya?

Kumabilang bakod na kaya si Janice o isa na siyang freelancer na puwedeng magtrabaho kahit saan? O baka naman ang paglabas niya sa MMK ay isa lamang sa mga puwede niyang gawin bago mag-take effect ang kontrata niya bilang Kapuso kung meron man?

Isa siyang batang ina na maraming anak at may itinatagong lihim na gusto niyang takasan at kalimutan na.

The episode is directed by Jerry Sineneng with script written by Mark Angos.

* * *

Bakit kaya ang daming artista at maging ang mga tagsubaybay nila ang tumatangging mapanood sila sa sisimulang bagong teleserye ng Dos na Kokey? Naging isang hit naman ito nang unang mapanood.

Una na si Angel Locsin na ayon sa mga tagasu­bay­bay niya ay mas gustong mapanood ang aktres sa isang mas substantial role. Hindi naman mahirap kumbinsihin ang ABS-CBN dahil talaga namang bukod sa may naunang alok na ibang serye sa TV si Angel ay may nakatakda pa rin itong gawing pelikula na kasama si Aga Muhlach.

Ngayon naman ay mga tagasubaybay ni Toni Gonzaga ang against sa paglabas ng kanilang idolo sa Kokey.

“At least they should offer her a decent teleserye to star in, unlike Kokey at Ako. Eeeek!,” sabi ng isang grupo na nag-email sa akin.

Bakit nga kaya ayaw nila ng Kokey? Eh, di ba mahilig tayong mga Pilipino sa mga ganitong istorya? Remember ET na nakiiyak-iyak pa tayo nang mamaalam ito sa mga taga-daigdig dahil babalik na sa kanyang planeta?

* * *

Nakagaan sa loob ng maraming tagasubayabay ng local showbiz ang pagbabati nina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez. Wala naman talaga silang dapat na pag-awayan. Nagtagpo lamang sila sa panahong masyadong emosyonal si Ruffa dahil iiwan na nito ang Kapamilya network.

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

BAKIT

CARMINA VILLAROEL

GELLI

JANICE

JERRY SINENENG

KOKEY

KRIS AQUINO

MAALAALA MO KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with