^

PSN Showbiz

Ruffa nag-pictorial sa GMA 7

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Dumalaw si Kris Aquino sa burol ng mother ni Cristy Fermin sa Funeraria Nacional at sa narinig na sinabi ni Kris kay Cristy ang “open na tayo ha! (ang komunikasyon nila), nagpunta ako in person dito kahit ikaw hindi nagpunta sa burol ng mom ko.”

Sinagot ni Cristy si Kris ng kung nabasa nito ang mga sinulat niya tungkol kay Mrs. Cory Aquino mula nang mamatay, iburol at ilibing ito, para na rin siyang nagpunta sa burol nito.

Bago umalis, isa-isang binasa ni Kris ang mga nagpadala ng bulaklak sa family nila Cristy at inusisa kung bakit nasa ibaba ang ibang bulaklak na galing sa friends ni Cristy. Tila ayaw maniwala ni Kris sa sagot ni Cristy na ‘di na kasya sa taas, kaya ibinaba ang ibang flowers.

Pero kahit sino magtataka sa flower arrangement dahil ‘yung inakala nating close kay Cristy ay nasa baba ang ipinadala nilang bulaklak.

* * *

Nasa GMA Network kahapon sina Ruffa Gutierrez at Cristine Reyes, hindi dahil balak nilang lumipat ng network, kundi dahil sa pictorial ng pelikulang Working Girls. Co-produced ng Viva Films, Unitel at GMA Films ang pelikulang may April 21 playdate, kaya sa GMA Network ang pictorial.

Nabanggit na ni Ruffa na magpo-promote siya of the said movie sa shows ng Channel 7 dahil papayagan siya ng TV5. Sa ABS-CBN, hindi makakapag-promote si Ruffa dahil sa ibinabang memo ng network na bawal mag-promote ng kahit ano ang taga-ibang network.

Hindi rin makakapag-promote sa Channel 7 si Cristine dahil exclusive ang kontrata niya sa ABS-CBN.

Sabagay, mas maganda ito’t mapo-promote ang movie sa ABS-CBN, GMA-7 at TV5.

* * *

Timing ang pansamantalang pagkawala ng karakter ni Paulo Avelino sa Ina Kasusuklaman Ba Kita? dahil maayos siyang nakakapag-taping sa Panday Kids, kung saan siya ang pumalit kay JC de Vera sa role ni Aureus at papasok ang karakter niya sa week 3 ng telefantasya.

Role pa rin ni Aureus na unang ginampanan ni JC de Vera ang papel ni Paulo na lalong nagpapanerbiyos sa kanya’t alam na mag-i-expect ang viewers at makukumpara siya sa actor. Kaya naman, ginagawa niya ang lahat na hindi ma-disappoint ang viewers, gagalingan daw niya ang acting, nagpapalaki siya ng katawan at nagpa-praktis ng wushu at fight scene.

Samantala, sa pangungulit ng press, inamin na rin ni Paulo na may MU o Mutual Understanding sila ni LJ Reyes, pero ang ibang tanong ng press sa kanilang relasyon ay ‘di na sinagot dahil sa kanila na lang daw ‘yun.

Ang pagiging matalino at tipo ng tao na may matututunan sa mga sinasabi ang binanggit ni Paulo na qualities ni LJ na nagustuhan niya. Nang tanungin ng press kung may intellectual intercourse sila, ang reaction ni Paulo ay “pangit naman ng words na ‘yan” at ‘di na sumagot.

vuukle comment

CORY AQUINO

CRISTINE REYES

CRISTY

CRISTY FERMIN

DAHIL

FUNERARIA NACIONAL

INA KASUSUKLAMAN BA KITA

KRIS AQUINO

MUTUAL UNDERSTANDING

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with