^

PSN Showbiz

Nang mag-walkout si Ruffa, Kris nawala sa sarili

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Tinawagan ako kahapon ni Mario Dumaual sa telepono at may-I-ask niya ako sa aking opinyon sa biglang pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz noong Linggo. Ano raw ang masasabi ko sa isyu at kay Kris Aquino?

’Daaay, abala ako kahapon sa panonood ng Oscar Awards pero hindi ko napigilan ang sarili ko na makisawsaw sa biggest news ng showbiz sa linggong ito.

Dahil tinanong ako ni Mario, sinabi ko ang aking honest opinion. Hindi lang sa SNN dapat umalis si Kris. Dapat na rin siyang mag-goodbye sa The Buzz dahil nagagamit niya rin ito sa pangangampanya sa kandidatura ng kanyang kapatid na si Noynoy Aquino.

Napanood ko ang The Buzz noong Linggo at nakita ng mga mata ko ang pang-ookray ni Kris kay Ruffa. Matagal na niyang binabara si Ruffa kaya nga sa presscon nito para sa TV5 noong Biyernes, tinanong siya ng mga reporters kung bakit palagi siyang binabara ni Kris.

Kausap ko si Annabelle Rama noong Linggo ng gabi. Siya ang nagkuwento sa akin na bago pa man nag-start ang The Buzz, binabara na ni Kris ang kanyang anak.

Ang feeling ni Annabelle, iritable si Kris kay Ruffa dahil judge na rin ito sa Talentadong Pinoy na katapat ng kanyang show sa ABS-CBN.

Nagtataka rin siguro si Kris dahil lilipat na nga si Ruffa sa TV5 pero pinayagan ito ng ABS-CBN management na umapir sa The Buzz hanggang sa susunod na Linggo.

Pero dahil sa nangyari, huwag na tayong mag-expect na sisipot pa si Ruffa sa The Buzz.

* * *

Kung napanood ninyo ang The Buzz noong Linggo, tiyak na napansin ninyo na parang nawala sa sarili si Kris nang umalis sa studio si Ruffa.

Hindi makapag-concentrate si Kris sa pagta­tanong sa mga guests ng The Buzz. Matalinong babae si Kris. Alam niya na magkakaroon ng isyu dahil imposibleng hindi mag-react si Annabelle sa nangyari.

Puwedeng hindi aminin ni Kris na nataranta siya sa pag-alis ni Ruffa pero halatang-halata sa kanyang body language na na-rattle siya.

* * *

Madali para kay Kris na magsalita na hindi niya binabara si Ruffa pero mismong ang mga televiewers ang nakakapuna nito. Noon pa nasulat ang madalas na pambabara niya kay Ruffa. Hindi lumaki ang isyu dahil tumahimik nga ang mag-inang Ruffa at Annabelle.

Kung napansin ng mga televiewers ang mga pambabara ni Kris kay Ruffa, ang may katawan pa kaya ang hindi?

Tinanong nga ako kahapon ni Arnold Clavio sa radio program niya kung kanino ako kampi? Siyempre, kampi ako kay Annabelle dahil naiintindihan ko ang kanyang pinanggagalingan.

Hindi nga lang masyadong ma-express ni Bi­sa­ya ang mga gusto niya na sabihin dahil baluktot ang kanyang Tagalog. Likas na matigas ang dila ni Annabelle kaya ang akala ng mga tao, palagi siyang nagtataray.

Kita n’yo naman, nag-sorry agad si Kris kay Ruffa para hindi na lumaki pa ang isyu. I’m sure, afraid din si Kris kay Bisaya!

* * *

Our condolences kay Cristy Fermin dahil sa pagpanaw kahapon ng kanyang mahal na ina. Nakaburol ang labi ng nanay ni Mama Cristy sa Funeraria Nacional sa Araneta Avenue, Quezon City.

AKO

ANNABELLE

BUZZ

DAHIL

KAY

KRIS

LINGGO

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with