^

PSN Showbiz

Matigas ang boobs!: Sexy actress dinismaya sa one-night stand ang DOM

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Kung titingnan ang sikat na sexy actress ay innocent-looking at hindi makabasag-pinggan pero payag pala ito sa pa­ki­­kipag-one-night stand lalo na if the price is right, ’ika nga.

Ayon sa isang reliable source, nagkaroon ang ak­tres ng booking, mahal ang kanyang presyo dahil milyonaryong DOM na businessman ang naging cus­tomer nito.

Pero nang matapos ang one-night stand ay dis­kuntento at hindi nasiyahan ang DOM sa perfor­mance ng aktres sa kama. Paano ang tigas-tigas ng kanyang boobs at hindi pa ito gumagalaw dahil retokado.

Naimbyerna lang tuloy ang mayamang negos­yante. Pero binayaran pa rin ng malaking halaga ang retokadang sexy actress.

* * *

Nang dumalo kami sa presscon nina Vilma San­tos at Ralph Recto ay nagbiro ang huli at sinabing totoy pa lang siya ay best actress na si Vi pero biglang buwelo ito na mas mukhang bata sa kanya ang asawa dahil magaling siyang mag-alaga.

Sabi pa ng tumatakbong senador, sa ilang taon nilang pag­sasa­ma ng gobernadorang asawa ay ito pa rin ang pinaka­magandang babae para sa kanya.

Si Vi naman, hindi nadadalian na naging public servant at lalo aniya itong maintriga kumpara sa showbiz.

‘‘Pinakamasarap pa rin sa akin ang showbiz at ito ang mundo ko dahil nananalaytay sa dugo ko ang pagiging isang artista. Dito ako lu­maki at dito nabuhay. Hindi ko ipa­hi­hiya at mananatili akong bahagi ng industriya ng pelikulang Tagalog kai­lanman,’’ sabi ng aktres-pulitiko.

Mas pinili ni Vi na tumakbo mu­ling gobernador dahil may vision siya para sa Batangas at hindi niya pa­babayaan ang Sangguniang Lala­wi­gan. Si Ralph ang tuma­tayong advi­ser at tutor niya at ito ang nag­bigay sa kanya ng ideya na puma­sok ng UP Diliman at kumuha ng crash course sa public ad­minis­tration.

* * *

Halos lahat ng panauhin sa press­­­con ni Mother Lily Mon­tever­de para sa mag-asawa ay mga opis­yales ng Batangas at iisa ang kani­lang sinasabi — naging dedi­cated public servant si Vi mula sa pagi­ging mayor hanggang sa maging gober­nador.

Talo pa nga ni Vi ang mga lala­king naging mayor o go­bernador ng Batangas dahil bu­kod-tanging siya lang ang na­kapagpalinis ng lawa ng Taal,’’ anila.

* * *

Maganda ang konsepto ni Michael V. sa bagong trend ng reality sitcom ng GMA 7 titled Pepito Manaloto.

‘‘Ito ang kauna-unahang reality sitcom na mag­lalarawan ng true-to-life story ni Pepito Manaloto na nangangarap na magbigay ng kom­portableng buhay sa pamilya nang biglang manalo sa lotto at nag-iba ang buhay nang maging multi-mil­lionaire,” sabi ni Bitoy.

“Marami ang makaka-relate dito. Kung ikaw ang mananalo, ano ang gagawin mo sa pera?”

Oo nga naman.

Magsisimula ang reality sitcom sa March 20 after Pinoy Records. Kasama pa sina Carmina Villaroel, Manilyn Reynes, Ronnie Henares, John Feir, at Joshua Pineda sa direksyon ni Bert de Leon.

BATANGAS

CARMINA VILLAROEL

JOHN FEIR

JOSHUA PINEDA

LILY MON

MANILYN REYNES

MICHAEL V

PEPITO MANALOTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with