^

PSN Showbiz

Leah Patricio, bibirit nang todo

-

MANILA, Philippines - Patutunayan ng only singer sa Hall of Fame na si Leah Patricio na she stands out above the rest sa Talentadong Pinoy Battle of the Champions para sa grand title na  Philippines’ first Ultimate Talentado kung saan makakakuha ng P1 Million cash prize ang mananalo sa Marso 6 at the Cuneta Astrodome.

Kasama si Leah sa mga magpapakitang-gilas sa grand finals, at maski common ang talent na singing, certified extra-ordinary naman ang boses niya sa pagkanta. Sa lahat ng linggu-linggong performance niya patungo sa Hall of Fame status, napahanga ni Leah ang mga juror at talent scouts with Audie Gemora’s remark na sure daw ang stardom ni Leah “with such extraordinary voice which people don’t get to hear everyday in any contest,” na sinundan ng biro ng talent scout kung may manager na raw ba ang magaling na singer.

Wala pang manager ang mahusay na singer, at kahit ilang parangal na ang natanggap niya sa pagkakapanalo sa mga singing contest sa mga barangay, sa TV, at sa February 2008 Amazing Philippine Singing Star, humble pa rin si Leah at pursigidong manalo para sa kanyang pamilya. Housewife at full-time mom si Leah na tumutulong sa sari-sari store ng kanyang ina, at nagpupunta-punta sa mga kalapit na barangay para tingnan kung may singing contest na maaari niyang salihan.

It was through Leah’s father na natuto at nahilig siyang kumanta sa maagang edad, na siyang napunta sa mga tagumpay niya tulad ng pag-perform sa harap ng President ng Singapore, at ang pagiging 5th Hall of Famer ng Talentadong Pinoy.

“Ang takbo ng buhay ko, umiikot sa singing contests simula pagkabata, para may makain at pampaaral. Di ako nakatapos, kaya ito na siguro ang oras para patunayan ko talaga sa sarili ko ang talent ko sa grand finals ng Talentadong Pinoy,” say ni Leah.

The jurors and the text-voting public will decide kung karapat-dapat ba si Leah Patricio na maging Philippines’ first Ultimate Talentado kung saan makakaharap ng extra-ordinary singer ang iba pang Hall of Famers tulad ng Far East Acrobatic Gutierrez Family, Wan Lu the Puppeteer, Joshua The Yoyo Tricker, The Tribal Dancers, Omar the Ladder Balancer, Ferdinand Clemente a.k.a. Makata-tawanan, at ang napiling wildcard challenger na isang batang singer na si Jackilyn Pinaso.

AMAZING PHILIPPINE SINGING STAR

AUDIE GEMORA

BATTLE OF THE CHAMPIONS

CUNETA ASTRODOME

FAR EAST ACROBATIC GUTIERREZ FAMILY

HALL OF FAME

LEAH

LEAH PATRICIO

TALENTADONG PINOY

ULTIMATE TALENTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with