^

PSN Showbiz

Mga batang buwaya hinuli uli!

-

MANILA, Philippines - Pitong buwan na ang nakakaraan nang pakawalan ang limampung batang Philippine crocodile o bukarot sa Divilacan, Isabela.

Isa itong mahalagang kaganapan, hindi lamang para sa mga residente ng Isabela kundi pati na rin sa mga taga-Mabuwaya Foundation na siyang nagsusulong na maibalik ang mga bukarot sa wild. Endangered na kasi ang bilang ng mga Philippine cro­­co­dile at kung hindi raw aalagaan, maaring maging extinct na ang mga ito sa loob lamang ng sampung taon.   

Ngayon, binalikan ni Doc Ferds ang mga bukarot upang makita ang kanilang lagay. Pero para malaman ang lagay ng mga buwaya, kailangan silang muling hulihin! Sa pamamagitan nang pagsukat sa mga buwaya, malalaman ng mga eksperto kung nasa­sanay na ang mga buwaya sa kanilang bagong tira­han. Pero hindi simple ang ginawang paghuli sa mga hayop na ito. Iba’t ibang paraan ang kanilang sinubu­kan para lang masuri ang mga buwaya.       

Sa­man­tala, dinayo ni Kiko Rustia ang isang baran­gay na halos iisa lang ang pinagkakakitaan—ang panghuhuli ng mga isdang pang-aquarium. 

Ang mga isdang kinaaliwan nating pagmasdan sa loob ng mga aquarium, mahaba pala ang tinatahak na paglalakbay bago pa makarating sa mga hawlang salamin. 

Hindi rin biro ang paraan ng pagkuha nito. Dahil ang mga diver, gumagamit ng com­pressor para sisirin ang mga isda – isang paraan na masama para sa kalusugan.

Upang malaman ang ka­lagayan ng dagat, nagsama si Kiko ng isang marine biologist upang masuri ang ilalim ng dagat… ano kaya ang kanilang natuk­lasan?

Alamin ang mga ku­wentong ito sa bagong araw ng Born to be Wild. Ngayong Huwebes na pagkatapos ng Saksi sa GMA Network.  

ALAMIN

DOC FERDS

ISABELA

KIKO RUSTIA

MABUWAYA FOUNDATION

NGAYONG HUWEBES

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with