^

PSN Showbiz

Vina pabalik-balik sa hospital

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ang dami-daming nagro-root para sa girlfriend ni JayR na kasali sa Bb. Pilipinas na si Krissa Mae sa showbiz na ang buong pa­nga­lan pala ay Krissa Mae Arrieta. Siya ang kandidato na may numerong 11 sa ginaganap na Bb. Pilipinas beauty pageant na ang finals ay magaganap at mapapanood sa GMA7 nga­yong Linggo ng gabi.

Maganda naman si Krissa Mae at matangkad pa. Talagang nasa kanya ang lahat ng mga ka­tangian para maging isang Bb. Pilipinas. Nung pre-pageant ay marami na ang nakapansin sa kanya. Kinilig pa nga ang maraming manonood na nakakabatid ng relasyon nila ng R&B singer na si JayR nang kumanta ito sa pre-pageant, sa tabi pa mismo ni Krissa Mae.

I’m sure hindi rin mangangapa sa Q&A ang ma­gandang kandidata dahil Inglesera ito. Ito ang madalas nagiging problema ng mga su­masali sa Bb. Pilipinas, magaganda nga sila pero, hindi matatas sa wikang banyaga.

Hindi ko naman alam kung bakit nagpipilit silang mag-Ingles gayung puwede naman silang mag-Tagalog. Matagal ko na ngang pangarap na maka­kita ng isang Miss Philippines na nagta-Tagalog at gumamit ng interpreter sa mga inter­national beauty pageants.

Nahihiya ba tayong magsalita sa lengwahe ng mga Pilipino?

* * *

Talagang hanga ako sa pagiging nanay ni Vina Morales. Kahit sagsagan at sagaran ang taping niya sa Agua Bendita ay hindi niya napa­pabayaan ang anak niyang nasa ospital for viral infection.

Kahit na andun ang buo niyang pa­milya sa ospital para tulungan siya sa pag­ba­bantay sa anak niyang si Ceana ay gusto niyang siya mismo ang mag-alaga dito. Kaya naman tuwing makakatapos siya ng eksena at kapag may maha­bang break, takbo agad siya sa ospital.

Talagang ang mundo niya ay umiikot ngayon sa kanyang anak. Lahat ng pagpapagod niya ay dahil dito, lahat ng plano niya sa hinaharap ay nakasentro sa kanyang anak.

Marami nga siyang offer ngayon pero pinalalaki muna niya si Ceana. At kapag umaalis siya, tinitiyak niyang sandali lamang siya mawawala. Kapag pu­wede nang ibiyahe ang kanyang anak ay isasama na niya ito sa lahat niyang lakad. Ga­nung closeness between mother and daughter ang gusto niyang kalakhan ng anak.

* * *

I’m sure iniintriga lang si Jennylyn Mercado kay Gerald Anderson. Hindi bale nang magkaroon ng intriga pero sana, huwag namang pala­basin na si Jennylyn ang naghahabol kay Gerald. Para tuloy pinalalabas na desperado na ito sa lalaki. Maganda naman ito, may ma­tagumpay na career at may talento sa pag-arte. Ang pagkakaroon nito ng anak ay hindi dahilan para magpaka-cheap siya, marami naman siyang manliligaw.

Pinag-aaway ba sila ni Kim Chiu? Huwag naman din sana. Walang dahilan. Ayaw nga ni Jen­nylyn na mag-focus sa lovelife niya, tapos iin­trigahin pa siya kay Gerald.

Sinabi rin ni Jennylyn na never niyang inilusyon ang kapareha ni Kim.

AGUA BENDITA

ANAK

CEANA

KRISSA MAE

NIYA

NIYANG

PILIPINAS

SHY

SIYA

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with