JC tuloy na sa TV5
Tuloy na ba talaga ang pagpu-pullout ni Annabelle Rama kay JC de Vera sa Panday Kids? Nagtatanong kami dahil sa tsikang nakahanap na ang staff nang ipapalit kay JC sa pagkawala nito sa telefantaserye at ito’y walang iba kundi si Paulo Avelino.
Nang una naming masulat ang pagpu-pullout kay JC, may four days taping pa siya sa Panday Kids at tatapusin nito ang maiiwang taping days. Ibig sabihin, nakapag-taping na ang actor, kaya lumutang ang balitang tuluyan na siyang mawawala sa show.
Sa nangyaring ito, hindi kami magugulat kung sa trade show ng TV5 sa March 25 at sa presscon sa March 26, isa na si JC sa ipakikilang talents ng network. Tama lang ang paglipat ng aktor dahil hanggang March 15 na lang ang kontrata niya sa GMA Network.
Dagdag na tsika sa amin, role raw mismo ni JC sa Panday Kids bilang si Aureus ang gagampanan ni Paulo. Sa pagkakapili kay Paulo, parang totoo na siya na ang next na ibi-build-up ng husto ng Channel 7 and Paulo deserves it.
* * *
This Wednesday naka-schedule ang pictorial nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa pelikulang gagawin nila na co-produced ng Regal Entertainment at GMA Films. After the pictorial, isusunod agad ang trailer shot na gagawin sa isa sa mga studios ng GMA 7. Inaayos na rin ang schedule ng shooting ng dalawa para masimulan na ang movie.
Nasulat na naming rom-com ang tema ng pelikula nina Marian at Dingdong na wala pang title (o ayaw lang sabihin sa amin) at pinipili pa ang ibang cast na isasama sa dalawa. Hindi ba maganda kung isasama sa movie sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio? Wala lang, nagsa-suggest lang. Si Mark Reyes ang director nito at sa script ni Aloy Adlawan.
May e-mails kaming natatanggap mula sa DongYan fans at gustong ipaabot sa mga producer ang request nilang ‘wag madaliin ang pelikula. Nataranta ang fans na nasulat naming sa summer ang showing ng movie dahil baka pangit daw lumabas.
Hindi naman siguro papayag ang mga kinauukulan na pangit ang Marian-Dingdong movie, ‘no!
* * *
Sa mga showbiz talk show host na nabalitang lilipat sa TV5, si Mo Twister pa lang ang sigurado. Naudlot ang paglipat nina Ricky Lo at Butch Francisco dahil ang una’y nagbago ang isip at ang huli, may kontrata pa pala sa GMA 7.
Nagpaalam na raw si Mo sa bossing ng Showbiz Central na tatanggapin ang offer ng TV5 na isa sa maging hosts ng palalakasing Juicy at pinayagan siya. Walang conflict kung magka-show sa TV5 si Mo dahil Sunday ang Showbiz Central at daily ang Juicy ng TV5 at wala siyang exclusive contract sa Channel 7.
May show din siya sa ANC Channel ng ABS-CBN.
* * *
Sa Last Prince, aapihin ng mga tao si Lara (Kris Bernal) dahil sa kapangitan. Nalaman nitong umalis si Mayang (Angelu de Leon) at sumama sa isang mayamang lalake na ‘di niya alam, ang ama niyang si Carlos (Jay Manalo). Palalayasin si Lara ni Mayang sa bahay nito.
- Latest