^

PSN Showbiz

Beauty queen kalmante lang sa mga kahating bading sa actor-BF

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

It will take all of three weeks (and perhaps three dozens of creative minds) for GMA 7 para tapatan ang ASAP, this time via a program titled Party Pilipinas.

Dinig namin, Party Pilipinas is a hodgepodge of sorts: May kantahan, may sayawan, may skit. Name it, it offers a variety of entertainment ele­ments na baka mahirapan ang PMPC Star Awards for TV kung saang kategorya ito ika-classify.

Novelty, however, seems to be the name of the game. Baka sa formula na ito makabawi ang GMA 7 in terms of general ratings. People’s, as well as household’s, ratings indicate na uma­arang­kada ang mga programa ng ABS-CBN. Pero sa mga innovations ng GMA, who knows, mapapa­sakanilang muli ang supremacy that it held for the longest time.

Simply but, call it wheel of fortune.

* * *

Tunay na ina-adopt ng isang former beauty queen ang natutunan niyang social graces in dealing with her actor-boyfriend’s al­leged gay lover.

Kahit na kasi “binubuwisit” siya ng bading sa telepono, mahinahon pa rin ang kanyang pakiki­tungo rito. Hindi na kasi lingid sa kaalaman ngayon ng ex-beauty titlist ang mga extra-curricular activities ng kanyang nob­­yo, na may walong taon na pa­lang karelasyon ang isang bading, and still another bading, and still another bading.

Cool lang si girl, na nito lang na­pag­tanto na ’yung mga panahong hindi pala niya kasama ang nobyong aktor ay nasa kandungan ng baklang dyowa nito.

A real-life scene inspired by the movie Una Kang Naging Akin, puwede itong idayalog ng bading sa kanyang actor lover. Kung idadaan sa kanta, puwede rin niyang ibuwelta sa talipandas niyang dyowa na Nilunok Kong Lahat.

* * *

Hindi sukat akalain ng Star­struck V First Princess na si Diva Montelaba na bibigyan siya ng high-heeled shoes ni Marian Rivera. Napansin kasi ni Marian ang pagkahilig ni Diva sa sapatos, kaya binigyan niya ito.

Ayon kay Diva, magkapaa sila, size 7. Ang hindi alam ni Diva, may nakasaksi habang sinusukat niya ang sapatos na galing kay Marian, hirap na hirap niya itong isuot dahil size 9 ang paa niya.

Pilit daw pinagkakasya ni Diva ang masikip na sapa­tos, mapanindigan lang na magkapaa sila ni Marian, kulang na lang itiklop niya ang kanyang mga daliri sa paa.

Kung sabagay, walang sasarap pa kesa sa hi­narbat. Paging Lolit Solis, of Starstruck V jury, may karibal ka na, ’Nay!

vuukle comment

DIVA MONTELABA

LOLIT SOLIS

MARIAN RIVERA

NILUNOK KONG LAHAT

PARTY PILIPINAS

SHY

STAR AWARDS

STARSTRUCK V

UNA KANG NAGING AKIN

V FIRST PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with