^

PSN Showbiz

Pokwang inaaway si Melai

- Veronica R. Samio -

May bago na namang bata na nagsisimulang mahalin ng mga manonood ng telebisyon. Siya si Xyriel Manabat, ang batang gumaganap ng role ng kambal na sina Agua at Bendita sa teleserye ng ABS-CBN na may ganito ring pamagat.

Mag­sisimula nang lumabas siya sa mga screen ng TV, nakagiliwan na siya ng manonood. Marami ang nagsimulang maging interesado sa kanya. Sino ba siya, saan siya nanggaling at bakit parang nga­yon lamang siya napapanood? At bakit ma­galing na siyang umarte?

Ang lahat nito ay sasagutin ng ABS-CBN sa tamang panahon. Sa ngayon, mana­natili muna siyang isang misteryo, isang palaisipan.

Habang nagtatagal ang serye, nagiging kaa­bang-abang ang eksena ng kambal. Gustung-gus­to ng lahat ang eksenang nasagaan si Bendita pero walang nangyari sa kan­ya, bagkus napanum­ba­lik ang kanyang sigla ng mga patak ng luha na nag­­­mu­la sa mga mata ni Agua. Wala ni kaunti mang palatandaan ng sa­kuna na umabot sa kan­ya.

Makakatulong kaya ang pagkakaligtas ni Agua kay Bendita upang sila’y maging malapit na sa isa’t isa? Magawa kayang maunawaang lubos ni Agua ang magiging misyon niya sa mundo?

O hindi ba, trace of Santino in May Bukas Pa?

Matapos mamaalam ang boy wonder sa tele­bisyon, inaasahan ng lahat na si Xyriel ang mag­­pa­patuloy ng kanyang iniwang misyon bilang si Santino.

Katunayan, marami ang gustong ma­natili na lamang na bata sina Agua-Bendita. Mami-miss nila kapag nag-dalaga na ito. Pero darating ito, it’s ine­vitable. Sa ngayon, masaya na silang ma­ka­tag­­po sa kanilang mga puso ng isang ma­ka­kapalit ni Santino.

Subaybayan ang Agua Bendita, Lunes hang­gang Biyernes, pagkatapos ng TV Patrol.

* * *

Poor Melai Cantiveros, biglang nagkaroon ng mga kaaway dahil lamang sa iniintriga siya kay Pokwang. Na kesyo siya na ang makakapalit ng mas senior sa kanyang ko­medyante. Eh hindi pa naman makakategor­yang komedyante ang grand winner ng Pinoy Big Bro­ther Double Up. Siguro nga marami ang nata­tawa sa kanya pero hindi siya nagpapatawa. At ni hindi marahil aware ang babaeng taga-GenSan na itinatapat na siya kay Pokwang. Baka naman gawa-gawa lang ito ng ma­raming nagta­tampo kay Pokwang para gisingin nila siya sa sinasabi nilang napakataas na pag­lipad nito sa ngayon.

Sana nga hindi maapektuhan si Melai ng sina­sabi nilang ningas kugon na kasikatan nito. La­yu­nin lamang nito ay mapataas ang kalidad ng ka­nilang pamumuhay. It probably will not hurt her a bit kung hindi man siya sumikat. Sapat na ang ka­si­­katan na dinaranas niya ngayon. Sapat na ito para magkaroon siya ng magagandang alaala na mababalikan niya sa kanyang pagtanda.

At si Pokwang naman, matanda na siya para aka­lain na si Melai ang may pakana ng lahat. If she stays put and unaffected, dadaanan lamang siya ng mga magtatangkang marating ang stardom.

* * *

Talagang itinodo na ni Kristel Moreno ang kanyang talento sa launching film niyang Pitas na nagkaroon ng premiere night last week sa SM North EDSA. Hindi lamang siya nagpakita ng skin, pumayag pa rin siyang mag­karoon ng masese­lang eksena sa ka-partner niyang si Sid Lucero at maging kay Bembol Roco, ang lover ng kan­yang inang si Francine Prieto sa movie. Nag­kapa­sa-pasa siya sa nasabing scene pero it’s all worth it, magandang lumabas ang nasabing eksena na isa sa mga highlights ng movies.

Komento ng maraming nakapanood ng pelikula na sobrang flawless ni Kristel para sa klase ng buhay niya sa movie.

Hindi rin siya bagay sa slums na hindi naman maipipintas kay Sid dahil nabigyan niya ng hustisya ang kanyang role na isnatser at holdaper.

For an indie film, kulang sa boldness ang movie, pero may malaking tsan­­sa ito para sa mga international filmfests.

More daring si Kristel kumpara kay Lovi Poe na lumabas sa unang movie venture ni Don Lerit, prodyuser ng movie at boyfriend ni Kristel.

* * *

Matagumpay ang ika-9th Batang QC Olympics na itinaguyod ni Vice Mayor Herbert Bautista at nagbukas sa Amoranto Stadium nung Sabado, Pebrero 27.

Sa kabila nang paglaganap ng mga digital games at virtual sports, patuloy ang pagtangkilik sa Batang QC Olympics na nakadiskubre na ng mga batang athletes na lumalabas sa mga international competitions.

“Sports plays a key role in character-building and teaches virtues of de­di­ca­tion, perseverance, fortitude, and self-discipline.

“Malaki ang pasasalamat ko, ang sports event na ito still have the same unifying effect over people of Quezon City,” sabi ni Vice Mayor Bistek na patuloy na humihimok sa mga local governments na mag-invest sa sports.

AGUA BENDITA

AMORANTO STADIUM

BENDITA

KRISTEL

POKWANG

SANTINO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with