^

PSN Showbiz

Sarah bida sa naiibang microserye

-

MANILA, Philippines - May bagong two-minute habit ang mga mano­nood sa telebisyon. Palagi silang nakahawak nga­yon sa remote control at pati na rin sa kanilang mobile phone.

Sa unang pagkataon sa kasaysayan ng tele­bis­yon, nakalikha ang Sunsilk ng isang pa­kulo base sa teleserye kung saan kasali mismo ang mga mano­nood sa pagbuo ng istorya.

Muling pinatutunayan ni Sarah Geronimo ang kanyang celebrity power sa pinagbibidahan niyang Hair is Your Moment. Kasama niya rito sina Mark Bautista at Guji Lorenzana bilang mga leading man niya.   

Ang nasabing romantic comedy ang love offering ng pop princess nang mag-debut ang microserye sa ASAP noong Valentine’s Day.

Ngayon pa lang, maugong na ang naiibang serye at marami sa mga manonood ang masugid na sumusubaybay sa kuwento ni Jenny na gi­na­gampanan ni Sarah.

Isang ulila si Jenny na nag-aalaga sa kanyang mga kapatid at nag-aasikaso rin sa kanilang karin­derya. Dala ng isang malaking pagkakautang, di ma­la­yong mawala sa kanila ang karinderya sa­kaling hindi makabayad si Jenny ng utang sa loob ng 10 araw.

Gustong solusyunan ni Jenny ang problema sa pamamagitan ng pagsali sa isang audition para sa isang inihahandang concert kung saan ang prem­yo ay sapat para mabayaran niya ang utang ng karinderya.

Tatakbo ang Hair is Your Moment ng 10 linggo. Ipinapalabas ang bagong epi­sode sa ASAP tuwing Linggo at may replay linggu-linggo sa Kung Tayo’y Magka­kalayo.

Sabi ni Sarah thrilled siya sa pagiging image model ng Sunsilk. “Proud ako sa beautiful hair ko,” aniya. “Alam ko na nakasisira ng buhok ang madalas na styling, at ang damage repair system ng Sunsilk ay mayaman sa olive serum nutri complex na nakapagpapanumbalik sa nasirang buhok sa loob ng 10 araw.

“Gaya ni Sarah, excited kami talaga sa microserye,” ani Jem Perez, brand manager para sa Sunsilk ng Unilever Philippines, “kakaiba ito at first time na mayroong ganitong microserye kung saan ang mga viewers ang magde-decide ng magiging takbo ng story.”

Para makaboto, hanapin ang promo code na matatagpuan sa loob ng bawat pakete ng Sunsilk damage repair shampoo o conditioner (may marka rin ito ng isang pink puzzle piece). 

Dapat i-type ng boboto ang 10Days<promo code><letter of vote> at i-send sa 2600. Halimbawa : 10DAYS abc12 A. 

Makatatanggap ng instant prizes ang mga boboto, kasama rito ang Globe instant load, National Bookstore discount coupons, Sunsilk damage repair kits, at iPods.

GUJI LORENZANA

JEM PEREZ

KUNG TAYO

MARK BAUTISTA

NATIONAL BOOKSTORE

SARAH GERONIMO

SHY

SUNSILK

YOUR MOMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with