^

PSN Showbiz

Bahay sa Amerika naunang tinapos, Rufa Mae tigil muna sa pagpapagawa ng bahay sa Corinthian

- Veronica R. Samio -

Parang back to basics ang drama ngayon ni Rufa Mae Quinto. Bukod sa itinigil ng aktres ang pagpapagawa niya ng bahay sa Corinthian Gardens, bumalik din siya para manirahan sa Cubao, sa dating bahay na tinirhan niya.

“Ayaw ko muna ng malaking bahay,” paliwanag niya pero hindi niya itinanggi na tapos na ang bahay niya sa US at furnished na ito. “Maliit lang ito, napaka-simple, hindi mahirap lagyan ng fur­nitures,” dagdag pa niya.

Babawasan na rin niya ang pagpapa-sexy. Huli na raw yung cover niya sa isang men’s magazine.

“Ganun pa rin naman sa movies at TV pero pag walang work, hindi na sexy, tama na yung sim­ple. Kung ako nga ang masusunod, ayaw ko na pero ito ang gusto ng mga fans,” dagdag pali­wanag niya.

As of now, stop muna siya sa paggawa ng wedding plans.

“Hanggang sa plano muna ang lahat. Saka na pag talagang malapit na ang wedding. Simple lang ang gusto ko, pamilya lang pero dahil artista ako, mag­ka­karoon din ako ng malaking wedding re­ception, dun maraming guests,” promise niya.

Hanggang ngayon, napapanatili niyang sikreto ang identity ng future groom kaya marami ang nagsa­sabi na hindi ito totoo, just a figment of her imagination.

“Hindi naman nila kailangang maniwala. Basta ako, hindi pa handang i-reveal kung sino siya. Sa mga nagsasabing wala siya, okay lang, basta masaya ako,” sabi niya.

Kasama si Rufa Mae sa bagong kan­taserye ng GMA 7, ang Diva na pinag­bibidahan ni Regine Velasquez.

Nawala man ang SOP, meron pa rin siyang mga trabaho na magbibigay sa kanya ng kita. Tulad ng Showbiz Central and Bubble Gang.

“Ayaw kong padala sa depression. Dapat pa nga thankful ako dahil naka­kasama ko nang mag-lunch ang family ko tuwing Linggo. Nakakapag­simba na rin ako. Dati, pinaka-pahinga ko yung mag-abroad. Talagang pagod ako. Kailangan ko na ring magpahinga, magbawas ng load. Ngayon, magka­kasama na naman kami, nagba-bonding madalas,” pagmamalaki niya.

* * *

May bagong negosyo na naman si Angel Locsin, isang resto bar na dahil sa hilig niya sa kotse ay pinangalanan niya itong Fuel Up. Magbubukas ito sa buwang ito at inaasahan niya na bukod sa mga kaibigan ay susuportahan ito ng kanyang mga kasamahan sa industriya.

* * *

Bakit ang daming nagsasabi na malaki ang ipinagbago ni Pokwang, na umakyat na raw ang kasikatan nito sa kanyang ulo. Hindi na siya kasing warm ng dati, lalo na sa kanyang mga kaibigan sa media na siyang naka­raramdam ng kanyang pagbabago.

Sana hindi, lalo na ngayong magbibida na siya sa pelikula at binibigyan na ng kalayaang pumili ng kanyaang makakapareha.

AKO

ANGEL LOCSIN

AYAW

BUBBLE GANG

CORINTHIAN GARDENS

FUEL UP

HANGGANG

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with