Jennylyn natsipan pagtatambay sa bahay ni Gerald idinenay
Natawa ako sa pagde-deny ni Akihiro Sato sa isyu na may gay lover siya na naiwan sa Thailand.
Hindi raw totoo na lover niya ang gay photographer na ka-join sa kanyang sexy pictorial. Papa raw niya ang photographer. Papa as in parang tatay dahil kamag-anak ang trato niya sa badingerz.
Nakangisi si Akihiro habang nagde-deny pero kung ang mga Pilipino na aktor ang sangkot sa ganoong isyu, sure ako na pikon na pikon na sila.
Pero dahil hindi totoo ang tsismis, all smiles lang si Akihiro na sumumpa na hindi siya gay at girls pa rin ang kanyang gusto.
Kung may inamin man si Akihiro, ito ay ang pagkaka-detain niya sa airport ng Bangkok, Thailand kaya muntik na siyang hindi makabalik sa Pilipinas. Hindi raw niya dala ang kanyang Immigration ID kaya nagkaproblema siya sa immigration counter ng Bangkok.
Nakalusot si Akihiro sa kanyang problema dahil nakilala siya ng ilang Thai airport employees dahil sikat na model siya sa Thailand, bago niya sinubukan ang kapalaran sa Pilipinas.
* * *
Nag-react agad si Jennylyn Mercado sa balita na madalas siya na makita sa tapat ng bahay ni Gerald Anderson.
Iritable si Jennylyn dahil hindi totoo ang tsismis at para sa kanya, katsipan ang isyu. Tunay nga na katsipan ang isyu dahil bakit naman siya tatambay sa harap ni Gerald?
Nakatira sa iisang subdivision sa Quezon City sina Gerald at Jennylyn kaya biktima sila ng mga balita na ikinaiinis ng ex-dyowa ni Patrick Garcia.
* * *
Type na type ko ang mga eksena sa kasalan kaya tinutukan ko kahapon ang live coverage ng Showbiz Central sa garden wedding nina Ryan Eigenmann at Cathy Bordalba.
Star-studded ang kasal ng panganay nina Gina Alajar at Michael de Mesa dahil invited ang mga kaibigan nila na pawang mga sikat na artista.
Kilalang showbiz clan ang pamilya ni Ryan na in full force. Naroroon ang kanyang mga lolo at lola na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.
Ninang si Sharon Cuneta. Nakita si Mark Gil at ang mga kapatid ni Ryan na sina Geoff at AJ na umuwi pa mula sa Amerika.
Dumalo rin sa kasal sina Lorna Tolentino, Amy Austria, at ang kanilang mga friend na miyembro ng The Legends.
Mula sa wedding, dumiretso si LT sa Heritage Park dahil invited siya ni Jenny Napoles sa death anniversary ng madir nito.
Maaga akong nagpunta sa Heritage. Dinalaw ko ang puntod ng nanay nina Jenny at Rey Lim, pati ang libingan ni Rudy Fernandez.
Birthday ni Daboy sa March 3 kaya binisita ko ang kanyang puntod at binati ko siya ng happy birthday. Kung saan man naroroon si Daboy, sure ako na nakarating sa kanya ang aking birthday greeting. Kung buhay si Daboy, 58 years old na sana siya sa darating na Miyerkules.
* * *
Hi sa reader na si Ernesto Rollon ng Canada na nagbigay sa akin ng ilang detalye tungkol sa concert ni Nora Aunor. Heto ang kuwento ni Ernesto :
I am a resident of Toronto, Ontario for more than 10 years now. Just recently nag- subscribe ako sa GMA Pinoy TV thru Rogers Communication.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na mapanood ka sa Startalk.
Nakakaaliw ka pala kahit wala ka naman gaanong ginagawa kundi ang bumati. Siyanga pala magko-concert si Nora Aunor dito on March 19, at ang venue sa gym ng isang Christian Church sa railside road sa Scarborough.
In contrast, ang concert nina Regine at Ogie sa May 24 ay sa Masey Hall, one of the prime concert venue at the heart of Toronto.
- Latest