^

PSN Showbiz

Alessandra naghubo't hubad

- Veronica R. Samio -

Hanggang ngayong malapit nang ipalabas ang kauna-unahang bold movie ni Alessandra de Rossi na Romeo and Juliet, hindi maintindihan ng aktres kung paano siya napapayag ng direktor sa movie na si Adolf Alix, Jr. na gumanap ng mga maselang eksena tulad ng lovescenes at nude scenes.

“Marami ang lovescenes ko, hindi lamang with Victor Basa kundi sa iba’t ibang male members of the cast like Lemuelle Pelayo. Eh, hindi ko naman dati itong ginagawa. Sinabi ko sa kanya kung hanggang saan lang ako puwede.

Pero pumayag din ako sa ilang nude scenes at sa kabuuan ng pelikula ay naka-bra at panty lang ako. Bago rin kinunan ang movie ay katakut-takot na meeting. Simula kasi nung 13 years old ako hang­gang ngayong 25 na ako ay hindi naman nag­bago ang limitasyon ko sa pagganap. Palagi kong sinasabi na I am a person not an actress,” panimula ni Alex na ang role na ginagampanan ay tulad din ng mga characters nina Victor, Bing Pimentel, Lemuelle at Max Eigenman na minu­multo ng kanilang nakaraan.

Hindi bersiyon ng klasikong istorya ni William Shakespeare ang kakaibang love story na ito ni Ms. Jean Altavas, producer ng pelikula na siya ring nagsulat.

Pangunahing layunin sa pagsasapelikula ng kanyang libro ay bigyan ng boses ang mga taong naabuso.

Pitong taon siya nang mamolestiya ng isang pin­san. Bagaman at walang aktwal na sex act na naganap at huli na nang malaman niya na siya ay inaa­buso, yun ang naganap ng hiindi miminsan kundi paulit-ulit pa.

Hindi maintindihan ng buong produksiyon kung bakit na-X ang trailer pa lamang ng Romeo and Juliet. Sa MTRCB mismo nanggaling na lahat sa trailer ay implied, walang nakitang hindi kanais-nais o masamang eksena pero na-X pa rin nila ito, kaya walang nagawa ang direktor kundi magbigay ng bagong trailer na hindi rin naman biro ang gastos,

* * *

Hindi naman napi-pressure si Max Eigenman ng napaka-popular niyang apel­yido. Mas ang pres­sure na nararamdaman niya sa napakalaking res­ponsiblidad na dulot ng pagiging isang Eigenman.

Unang pelikula rin ni Max ang Romeo and Juliet. Kasama pa niya sa pelikula ang ina nila ni Sid Lucero na si Bing Pimentel. Itinuturing niya na pinaka-daring niyang movie ito kahit pa implied lahat ng mga sexy scenes niya. Isang pole dancer ang ginagampanan niya.

Wala nang say ang mga parents niya sa role na tinatanggap niya pero ipinaaalam pa rin niya sa pa­mil­ya niya at maski na sa dad niyang si Mark Gil kung medyo maselan ang role.? May show siya sa ABS-CBN pero hindi siya naka-kontrata dito.

Close sila ng brother niya at maski ng mga pinsan niya sa showbiz.

Sa kanila, walang kumpetisyon trabaho lang ang lahat.

* * *

Ngayong hapon, magsasalita na si Regine Ve­las­quez ng kanyang saloobin tungkol sa pag­kawala ng SOP. Farewell performance na ng prog­rama nga­yong tanghali kaya hindi maaalis na maging malung­kot ang palabas.

Meron bang Pinoy na hindi mahilig manood ng kasalan?

Ngayong hapon mapapanood ang isang kasalang showbiz sa pamilya Eigenman. Ihahatid ng Showbiz Central ang pakikipag-isang dibdib ni Ryan Eigenman sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Panoorin ang pagsasama-sama ng itinuturing na showbiz royal family sa isang napaka-makulay na event sa SC ngayong hapon.

ADOLF ALIX

BING PIMENTEL

EIGENMAN

LEMUELLE PELAYO

MARK GIL

MAX EIGENMAN

NIYA

ROMEO AND JULIET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with