Joy napagkamalang si Sarah; Bong nakinabang sa paninira
Narinig ko na ang audio recording na ginagamit para siraan si Bong Revilla, Jr. Ang aking verdict? Hindi si Bong ang nagsasalita dahil hindi siya ganoon magsalita.
Baka boses ‘yon ng isang voice talent na inupahan ng mga kalaban ni Bong sa pulitika para siraan siya.
I’m sure, hindi nila matanggap na number one si Bong sa survey ng mga senatoriable kaya gumawa sila ng paraan na siraan siya. Nag-backfire sa kanila ang pakana nila. Nalimutan nila ang kasabihan na publicity pa rin ang good or bad publicity. Si Bong tuloy ang pinag-uusapan, hindi sila.
* * *
Sobrang look-alike talaga sina Joy Belmonte at Sarah Geronimo. Napagkamalan ko na si Sarah ang nasa litrato sa mga streamer na nakita ko sa Quezon City. Kung hindi ko nabasa ang pangalan ni Joy, iisipin ko na mga streamer ni Sarah ang na-sight ko.
Tama lang na i-endorso ni Sarah ang kandidatura ni Joy sa QC. Mapagkakamalan talaga silang magkapatid kung magkasama sila.
Kumakandidatong Vice Mayor ng QC si Joy at handa siya na magbigay ng joy sa mga residente na nasasakupan ni Mayor Sonny Belmonte.
* * *
Malupit ang mga e-mail na natanggap ko sa [email protected]. Malupit dahil mga suggestion tungkol sa show na ipapalit sa SOP ang nakasaad sa mga e-mail.
Ayokong ma-hurt ang mga host ng SOP kaya minabuti ko na huwag gamitin o i-publish ang mga e-mail. Mawawalan na nga sila ng show, makakabasa at makakarinig pa sila ng mga panglilibak. Unfair ‘di ba?
I-wish na lang natin ng goodluck ang mga mainstay ng SOP na hindi na isasali sa Party Pilipinas. Huwag sana silang mawalan ng pag-asa dahil walang dapat ikatakot ang mga tao na may talent.
* * *
Ang daming pumuri kay Mark Anthony Fernandez sa presscon ng Diva. Artistang-artista raw ang dating ni Mark at younger version ni Robin Padilla ang tingin sa kanya ng ilang press people.
Magkamag-anak sina Mark at Robin kaya may similarity ang kanilang pagsasalita at pagkilos. Puwedeng-puwede ngang i-build up si Mark na action star ng GMA 7.
* * *
False alarm ang balita na nanganak si Lian Paz noong Huwebes. As of presstime, hindi pa isinisilang ni Lian ang panganay nila ni Paolo Contis pero totoo na sumakit ang kanyang tiyan noong Huwebes kaya kumalat ang mga text message na dinala na siya sa St. Luke’s Hospital.
Excited na sina Lian at Paolo sa pagdating ng kanilang anak. Tanggap nila kung mapapaaga ang paglabas ng bagets at hindi na ito umabot sa March 4, ang birthday ng namatay na tatay ni Paolo. Ang importante, malusog at normal ang bagets na bibigyan nila ng name na Xonia Aitana.
- Latest