^

PSN Showbiz

Rhap nakapila uli sa Ellen Degeneres show

- Veronica R. Samio -

Kung hindi lang fully booked ang The Ellen De­generes Show, mapapanood na naman sanang mag-guest dito ngayong buwan ng Pebrero ang 13-year old nung Pebrero 3 na boy wonder ng Pilipinas na si Rhap Salazar.

Sa halip, ini-reset ang guesting niya next month. Una nang lumabas sa napaka-popular na TV show na ito sa US si Rhap nung buwan ng Nobyembre last year. Mismong ang host na si Ellen De­generes ang nag-imbita kay Rhap matapos nitong mapanood sa You Tube.

Hindi makakalimutan ni Rhap ang napa­ka­gan­dang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng host ng prog­rama sa kanyang unang paglabas sa programa.

Walang TF na tinanggap si Rhap for his appea­rance sa nasabing programa.

Wala ring cash na tinanggap si Rhap nang ma­ra­ming ulit siyang manalo sa World Champ­ionship of the Performing Arts na ginanap sa Hollywood, USA. “Hindi bale nang walang pera, pero ang karangalang tinanggap ko, priceless.”

* * *

Isang malaking pagtitipon ang isasagawa ng T3 Community Foundation sa ika-27 ng Pebrero sa Jardin de Miramar sa Antipolo City. Pina­magatang T3 Ace (A Dinner and Concert for Equality) may tema itong One Community, One Family, One Heart. Layunin ng pagtitipong ito hindi lamang ang mabiyayaan ang mga tribo sa bansa kundi ma-preserve ang kanilang cultural heritage.

Maririnig dito sa unang pagkakataon ang T3CFI hymn na aawitin ng walong taong gulang na si John McEarl kasama ang T3 Band. Magpi-perf­orm din ang mga tribo ng isang ispesyal na nu­mero.

Ilan sa mga programang itinataguyod ng T3CFI ay ang Siglakas Kapatiran. Layunin nitong pag­buk­lurin ang mga miyembro sa pamamagitan ng Alay lakad at Bayanihan projects.

* * *

Ibang klaseng mag-birthday ang Kapamilya star na si Chad Peralta, isa sa mga iskolar ng Pinoy Dream Academy, kasabayan nina Yeng Cons­tan­tino, JayR Siaboc, at Ronnie Liang. Pu­munta sila ng pamilya niya nung Pebrero 4 sa isang park sa Bataan at kumain siya ng mga street foods na matagal na niyang gustong gawin pero ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon. Isang ma­sayang bond­ing experience yun with his family which he will forever treasure dahil bibihirang mang­yari yun.

Dahil wala naman siyang masyadong projects kung kaya, nabibigyang panahon ni Chad ang kan­yang pagsusulat ng kanta. Kasama sa kanyang album ang mga kantang ginagawa niya, ang Pro­mise, Song For You, at Kasalanan.

Wish niya na sana ay mabigyan pa ng proyekto sa Kapamilya network.

A DINNER AND CONCERT

ANTIPOLO CITY

CHAD PERALTA

COMMUNITY FOUNDATION

DREAM ACADEMY

ELLEN DE

ISANG

PEBRERO

RHAP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with