Say ni Dra. Belo nang makita si Hayden, 'I feel so pretty! I saw my inspiration'
Natuwa naman ako nang mabalitaan ko na tinupad ng Gutierrez family ang kanilang OPM na pupunta sila sa anniversary party ng YES Magazine sa NBC Tent noong Martes ng gabi.
Talagang all’s well that ends well sa Gutierrez family at sa PEP dahil parang hindi sila nagkaroon ng hidwaan na humantong sa korte noong nakaraang taon.
Tapos na ang taping ni Richard Gutierrez para sa Full House kaya nakapunta siya sa party ng YES. Ka-join ni Richard ang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie. Naroon din sina Ruffa at Raymond.
Pinuri ang pagiging forgiving ng mga Gutierrez. Napakaliit nga naman ng industriya para magkaaway-away sila.
I’m sure, hindi na nailang si Mama Jo-Ann Maglipon sa pagpila sa buffet table kahit nandoon si Bisaya dahil friends na uli sila.
Hindi man ako nakapunta sa party ng YES, nalaman ko na umapaw ang masasarap na pagkain at bumaha ng drinks. Ang tsismis, halos tatlong milyong piso ang ginastos ng publisher ng YES dahil tiniyak niya na bonggang-bongga at unforgettable ang kanilang 10th anniversary celebration!
Congrats kina Mama Jo-Ann at Anna Pingol na mga punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita.
* * *
“I feel so pretty! I saw my inspiration” ang kinikilig na sabi sa akin ni Dra. Vicki Belo nang magkita kami kahapon sa joint presscon nina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion.
Obvious ba na si Hayden Kho, Jr. ang inspiration ni Mama Vicki? Smile na lang ang mga reporter sa statement ni Mama Vicki dahil tanggap na nila na si Hayden ang kanyang greatest love.
* * *
Alas-dos ng hapon ang imbitasyon sa presscon para kay Jennylyn pero super-late ito. Kasamang dumating ni Jennylyn ang kanyang anak na si Alex Jazz.
Nainip ang mga reporter sa paghihintay kay Jennylyn at para mawala ang boredom, puro kagagahan ang mga pinag-usapan namin.
Sa susunod na magpatawag ng presscon ang Belo Medical Clinic, oobligahin ko ang mga artista na dumating nang maaga. Pinaka-hate ko talaga ang pinaghihintay ng mga artista ang press people.
* * *
Hindi na matutuloy ang paglipat ni Ricky Lo sa TV5. Mananatili na siya sa Startalk at natural, ikinatuwa ko ang kanyang desisyon na huwag nang mag-ober da bakod.
Kamag-anak na ang turing kay Papa Ricky ng staff ng Startalk. Actually, nalungkot sila nang malaman nila na lilipat si Papa Ricky sa TV5 dahil maganda ang aming samahan.
Dahil nagbago ang desisyon ni Papa Ricky, tuloy ang ligaya sa aming show na patuloy na maghahatid sa inyo ng mga hottest showbiz news!
- Latest