^

PSN Showbiz

StarStruck V: ultimate SURVIVOR winners 'di gusto ng mga manonood!

- Veronica R. Samio -

Hindi ko na hinintay ’yung itinakdang interview para sa mga nanalo sa Starstruck V na ginanap sa Final Judgment Night nila sa Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi.

Masyado nang mahaba ang panahong ipinaghintay sa akin ng aking anak na ihahatid ko pa sa kanyang trabaho sa ospital, maglilimang oras na noon, ang imbitasyon kasi ay alas-sais ng gabi.

It was a let down para sa maraming manonood ang pagkakapili sa mga nanalo.

Obvious na namayani ang mga text votes at hindi ang desisyon ng tatlong bumuo ng council na sina Floy Quintos, Iza Calzado, at Lolit Solis. Hindi bale na sa nanalong babae na si Sarah Lahbati dahil talagang angat ang ganda nito sa kanyang nakalabang si Diva Montelaba.

Dito sa atin ang konsepto ng isang artista, lalo na kapag babae ay ’yung maganda, mestisa o maputi. Kapag ang ’itsura mo ay kabaliktaran ng mga katangiang ito, malayo kang maging bida. Kung hindi ka komedyante, maid palagi ang role mo. Miminsan lamang nangyari na ang isang maitim at ordinary looking na tulad ni Nora Aunor ay naging bida.

Even the dusky beauty like Jennylyn Mercado ay hindi talagang maitim at kakulay lamang ng mahigpit niyang nakalaban na si Yasmien Kurdi. Poor Diva, hindi umepekto ang marami niyang pagsa-sign of the cross. Kahit pa sinabi ni Direk Floy na siya ang pinakamatalentong finalist sa batch ng Starstruck V.

Nagsisigaw at galit na galit ang mga maka-En­zo Pineda at Rocco Nacino habang papala­bas ng Coliseum. Mukhang nakalimutan nila na higit ang kakayahan ng dalawang “im­ported” na sina Steven Silva na mula Sacramento, California at Sarah Lahbati na buhat naman sa Geneva, Swit­zerland na makapagpadala ng mga text votes kesa sa mga may kakayahan ding sina Enzo at Rocco dahil times 46 ang dolyar na pambili ng mga text votes ni Steven at more than 60 naman ang kay Sarah kung ang ipambibili niya ay Euro. Kaya ewan ko kung nag-entertain ng hope ang nag-iisang lokal na lokal na kandidatang si Diva. Magpa­salamat na lamang siya na napasama siya sa Top 5.

Muntik na siyang mailaglag ni Nina Kodaka whose Japanese yen ay hindi naging sapat para mailuklok siya sa Top 5 na posisyon. Nagkasya na lamang ito sa kanyang Still Standing Strong Special Award at sa bonus na lahat silang Avengers ay ginawa nang exclusive Kapuso stars.

Hindi masyadong pinag-isipan ang final judgment nila. Halata mong hindi nag-rehearse ang maraming Starstruck winners tulad ni Jennylyn na nahuhuli sa kanilang production number.

Hindi rin nag-effort ang production na gumawa ng bagong numbers. Napanood ko na at rehashed na lamang ang ibang numbers. Tulad nung dance number ni Marian Rivera na kung saan mas alam pa ng mga Star­struck V members ’yung sayaw kesa sa kanya, eh old dance routine niya ’yun ah!

Nasorpresa rin ako na ni hindi naisip na bigyan man lamang ng tribute ang maagang nawala pero patungo na sana sa kasikatan at popularidad ang batch 3 winner na si Marky Cielo.

Absent din ang ka-batch niyang si Jackie Rice na ngayon lamang umaarangkada ang career matapos itong masilaw sa tagumpay at pabayaan ang oportunidad noon.

Nagulat akong makita na kasama ng mga hosts ng Starstruck si Nancy Castiglione. Bakit hindi ko maalalang bahagi siya ng original Starstruck? At nasaan si Jolina Magdangal?

Tama yung council, mga two or three years pa bago natin malaman kung sino talaga sa Batch 5 ang nagwagi. Sisikat din ba tulad nina Mark Herras, Jen­nylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Kris Bernal, Aljur Abre­nica, Jackie Rice sina Sarah at Steven? O matutulad sila kina LJ Reyes, Ryza Ce­non, Mike Tan, Rainier Castillo, Chariz Solo­mon, Prince Ste­fan, Stef Prescott, Vaness del Moral, Arci Muñoz, Paolo Avelino, at marami pang iba na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang tamang landas patungong stardom?

* * *

At this point, wala pa sigurong Kapamilya star ang magsa­sabing nakakaangat sila sa kasikatan lalo na ang bagong tuklas na love tandem ng Pinoy Big Brother Double Up na sina Melissa Canti­veros at Jason Francisco. Kaya inaasahang ma­giging mainit ang pagtanggap ng mga taga-Baguio City sa mga Kapamilya stars kasama na ang Big Five na sina Melai, Jason, Paul Jake, Tibo, at Jo­­han na bibisita sa kanila para sa Kapamilya Ka­­ra­­van plus ang mga nagseseksihang sina Ange­lica Panganiban, Maja Salvador, at Cacai Bau­tista sa Panagbenga Festival sa Peb­rero 27, 4:00 p.m. sa SM The Drive. Handog ito ng ABS-CBN Re­gio­nal Network Group (RGN).

Kilala bilang Flower Festival (Panagbenga), si­gu­­radong maaaliw ang lahat sa kagandahan ng mga bulaklak na ipaparada at lalo itong pasa­saya­hin at patitingkarin ng mga Kapamilya stars.

ALJUR ABRE

ARANETA COLISEUM

JACKIE RICE

KAPAMILYA

SARAH LAHBATI

SHY

STARSTRUCK V

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with