^

PSN Showbiz

Lovi hinabol ni Ronald Singson hanggang New York

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Bukod kay Ricky Lo, may iba pang showbiz talk show hosts ang nagbabalak mag-resign sa ka­­­­ni­­lang mga show para lumipat sa TV5. Minus Ricky, lima pa ang sinasabing lilipat at dalawa na raw ang nakipag-meeting, ang dalawa’y nasa pro­se­so nang pakikipag-usap at ang isa’y nakatakda pa lang mag-resign sa show niya ngayon.

Ang isa sa mga host na sinasabing lilipat sa TV5 ay walang kontrata sa show na kanyang hino-host, kaya magiging mabilis ang pagre-resign. Hin­di pa man nakakalipat, may kino-conceptualize ng show sa kanya ang TV5 kasama ang ilang talents ng network.

Huwag na tayong magbigay ng clue kung sino ang mga host na gustong lumipat sa TV5, malala­man din naman kung sino sila’t tiyak na masusulat. Basta, hindi si Ricky ang first and last showbiz host na lilipat at ‘di lang matutuloy ‘pag sila’y napigilan.

* * *

‘Kaaliw ang reaction ni Arnold Clavio nang ta­nu­­­­ngin namin kung totoong aalis siya sa GMA 7 at lilipat sa TV5 dahil may magandang offer sa kan­ya.

Sa halip na sumagot ng “yes” or “no”, nagka­ka­mot ng mga imaginary na makakating parte ng muk­­ha at katawan. 

Biglang dumami ang makati at masakit sa ka­ta­­wan ni Arnold at biglang napipi dahil walang sina­got sa aming mga tanong. Ngiti lang ito nang ngiti, later on at dahil sa aming pangungulit, nag-dialo­gue rin ng “walang lipatan,” and in fact, may bago siyang show sa Channel 7.

Ang tinukoy na bagong show ni Arnold ay ang Kan­didato na papalit sa Case Unclosed at kundi this week ay next week na ito eere. Profile ng mga kan­didato ang pagtutuunan ng pansin, may guest panelist at siya ang mode­rator sa Q &A.

After election, may malaking plano raw ang Channel 7 sa time slot ng Case Unclosed at nagkamot uli si Arnold nang tanungin kung siya pa rin ang host ng bagong show.

* * *

Magpa-pilot mamaya pagkatapos ng 24 Oras ang Panday Kids na pinag­bibi­dahan ng mga ba­tang artistang sina Robert “Buboy” Villar, Ju­lian Trono at Sabrina Man. Excited ang tatlo, lalo na ang dalawa na ngayon lang nagkaroon ng big break sa telebisyon at mga bida pa.

* * *

Straight from New York ang tsikang sumunod kay Lovi Poe sa New York ang rumored BF niyang si Rep. Ronald Singson. Sabay na raw babalik ng ‘Pinas ang dalawa sa February 24. Hindi alam ng source namin kung kailan du­mating ng NY si Ro­nald, bigla na lang umapir.

Nasa Manhattan NY si Lovi at mga kasama para sa screening ng movie nila ni Jacky Woo na Walang Hanggang Paalam sa Soho Inter­national Film Festival. Sabay daw dumating sina Lovi at Ronald sa screening na parang in-love na in-love.

Tsika pa sa amin, kasundo ng mommy ni Lovi si Ronald dahil mabait at naki­kitang inaalagaan ang anak. Nagkita na raw sina Ronald at mommy ni Lovi.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

CASE UNCLOSED

FILM FESTIVAL

HANGGANG PAALAM

JACKY WOO

LOVI

NEW YORK

SHOW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with