^

PSN Showbiz

Rhian naghahabol kay JC

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kung kailan naman nilalagyan ng kulay ang pag­tatambal nina JC de Vera at Jackie Rice sa Panday Kids dahil medyo passionate o steamy ang nakunang kissing scene nila sa naturang serye, saka naman ibi­nabalik sa eksena si Rhian Ramos na tulad ni Jackie ay naging isyu rin ang pakikipagtambal sa alaga ni Mama Annabelle Rama.

Hindi naman diretsong inamin ni Rhian sa isang inter­view niya na nami-miss niya ang dating ka-loveteam pero may mga kampo na ito ang gustong palabasin, tuloy nasisira ang sinisimulang pagbibigay kulay sa pagtatambal nila ni Jackie.

Kung sabagay, may chemistry sina JC at Jackie at pareho naman silang libre. Walang masasagasaan kung sakali mang magkadebelopan sila.

* * *

Kailan lamang ang bata-bata pa nitong si Miguel Aguila. Nang makuha siyang miyembro ng Angelos, sinabi kong parang hindi siya bagay sa grupo dahil malaki ang katandaan sa kanya ng mga kasama niya.

Baka kako hindi siya mag-blend sa grupo, hindi siguro sa boses pero sa personalidad, hihiwalay at hihiwalay siya. Pero nagkamali ako, Miguel blended well with the group, lalo na sa boses. Nang imbitahan ko siyang mag-guest sa launching ng aking very 1st Celebrity Golf Tournament, halos hindi ko na siya nakilala. At 15 years old, matangkad na siya at napakaguwapo. Mas nakakagulat ang boses niya, boses mama na, natural na makapal pero, nagagawa niyang panipisin at naaabot niya maski na ang pinaka-mataas na nota.

* * *

Napaka-praktikal ni Kris Aquino. Agad ini-invest sa real property ang anumang kita nila ng mister niyang si James Yap. At kahit malaki ang perang itinulong niya sa kampanya ng kanyang kapatid na si Noynoy Aquino, parang hindi tumitigil ang pagdating ng pagkakakitaan sa kanya. It seems hindi lamang siya ang sinuswerte sa komersyal kundi maging ang mag-ama niyang sina James at Baby James. Marami ang nagandahan sa ginawa nilang komersiyal para sa isang insurance firm. Marami rin ang pumuri sa pagkakasali ni Baby James sa TV political propaganda ng kanyang Tito Noynoy.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BABY JAMES

CELEBRITY GOLF TOURNAMENT

JACKIE RICE

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MARAMI

MIGUEL AGUILA

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with