Ruffa lalayasan ang ABS-CBN?
Nagmistulang chain text message ang natanggap ng ilang reporter tungkol sa umano’y nasaksihan ng isang sexy comedienne sa isang pagtitipon kamakailan. The sighting involved a happily married actor and a glamorous actress caught in an uncompromising situation.
Sa terrace diumano nakita ang aktor at ang aktres, bagay na agad pinagdudahan ng ilang ‘‘thinking’’ press people who know the actor better (huwag na nating isali ang kanyang umano’y kaeksena dahil meron na itong previous record ng infidelity).
Althroughout the actor’s married life, ni minsan ay hindi siya na-link sa sinumang babae. Lalong walang dahilan para ipagpalit niya ang kanyang maganda at disenteng misis.
* * *
In the works na ang magiging Sunday showbiz-oriented talk show ng TV 5, na dinig nami’y itatapat sa The Buzz at Showbiz Central.
But this is just the tip of the iceberg.
Kabuntot ng tsikang ito ay ang da return ni Cristy Fermin on TV, at ang pagbibitiw ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz!
First on Cristy, matatandaan na pinatawan siya ng indefinite suspension ng ABS-CBN sa kasagsagan ng iringan nila ni Nadia Montenegro, damay pati ang kanyang radio stint over DZMM. The decision turned out to be ‘‘for life.’’
Now on Ruffa, gaano katotoo na undecided pa ang ina nitong si Annabelle Rama kung tatanggapin ang offer o hindi? But in the midst of this vascillation, mukhang mas matimbang ang pagko-cross over in Ruffa with, of course, a much higher talent fee.
To this day, sariwa pa ang linyang binitawan noon ni Boy Abunda ukol sa raging competition on TV. In the final analysis, ani Kuya Boy Abunda, ang higit na makikinabang dito ay ang mga manonood.
Take it from the king of talk himself.
- Latest