^

PSN Showbiz

Ricky Lo hindi natanggihan ang offer ng TV5

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Tinanggap na ni tito Ricky Lo ang offer ng TV5. Yup, kasama na siya sa maraming TV host na malapit nang mapanood sa mga ilulunsad na mga bagong programa ng TV5. Malamang na sina Ryan Agoncillo at Georgina Wilson ang makasama niya sa isang show. “Maganda ang offer eh,” say ng isang malapit kay Tito Ricky kaya hindi ito na-resist ng Startalk co-host at entertainment editor ng Philippine Star.

* * *

How To Live Longer?

Paano nga ba mabuhay ng matagal?

Ito ang bagong libro ni Dr. Willie T. Ong na madalas nating mapa­nood sa mga health related shows ng ABS-CBN at isang kolumnista ng Pilipino Star NGAYON at Philippine Star.

Marami tayong matututuhan sa nasabing libro na ang aming pre­sidente at CEO na si Mr. Miguel Belmonte ang nagsulat ng Foreword.

Malaking tulong ito lalo na sa mga nagtatrabaho maghapon.

Narito ang ilang importanteng nakapaloob sa How To Live Longer. Read ninyo:

Mag-relax. Magbawas ng stress sa buhay.

Suriin ang iyong vitamins at supplements – Ang pinakamagandang supplement ay ang Omega-3 fish oil.

Magdasal.

Magpabakuna.

Umiwas sa alak. Masama ang alak kapag sobra sa kalahating basong wine o isang shot ng hard drinks.

Magpatingin sa magaling na doktor.

Mag-ehersisyo.

Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay.

Mag-isip ng positibo (Positive thinking).

Tumulong sa kapwa.

Umiwas sa bisyo at peligro.

Mag-ipon ng pera.

Kumain ng prutas.

Kumain ng matatabang isda tulad ng sardines, tuna, salmon, at mackerel.

Kumain ng maberdeng gulay.

Magpapayat. Alamin ang inyong tamang timbang at piliting maabot ito.

Uminom ng Aspirin kung kailangan.

Uminom ng gamot sa altapresyon at diabetes.

 Itigil ang sigarilyo.

Hmmm, maraming dapat malaman.

Para sa karagdagang paliwanag at payo, buy kayo ng libro ni Dr. Ong na available na sa lahat ng National Bookstore outlets.

Isa si doctor Ong sa pinakamabait na doctor na na­kila­la ko. Very down to earth siya at marunong ma­ki­sama na isang importanteng factor para ma­buhay ng matagal.

Importante ang mga ganitong libro lalo na nga­yong stressful ang bawat araw sa ating buhay.

Anyway, bukod sa kawanggawa at pagsusulat ng libro, meron ding radio program si Dr. Ong kasama ang asawa niyang si Dra. Liza na isa ring napakabait na tao. Ang nasabing public service health show ay maririnig sa DZRH, every Saturday 5:00 to 5:30 p.m. na pinamagatang Doc On Call.

Tinatalakay nila sa nasabing programa ang interesting health related topics at nag-iimbita rin sila ng mga specialist doctor para magbigay ng mga mas malalim na paliwanag sa mga topic para sa mga nakikinig.

Nagpapasalamat din sina doctors Willie and Liza na binigyan sila ng pagkakataong maging kabahagi ng DZRH ni Mr. Joe Taruc.

DOC ON CALL

DR. ONG

GEORGINA WILSON

HOW TO LIVE LONGER

JOE TARUC

KUMAIN

MIGUEL BELMONTE

PHILIPPINE STAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with