^

PSN Showbiz

Marian kitang-kita sa mukha na 'pinaliligaya' ni Dingdong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Naabutan ko kahapon si Marian Rivera na nag­pa­­pasukat ng hair extension sa beauty salon ni Bambbi Fuentes.

Gagamitin ni Marian ang hair extension sa End­less Love, ang drama show na pagsasa­mahan nila ni Dingdong Dantes.

Masaya at maaliwalas ang mukha ni Marian nang magkita kami kahapon. Kitang-kita na nag-enjoy siya sa pagbabakasyon nila ni Dingdong sa Europe. Hindi puwedeng i-deny ni Marian na love na love niya ang kan­yang boyfriend.

* * *

In fairness, marami ang humihingi sa akin ng com­pli tickets para sa final night ng Starstruck V sa Linggo.

Isa lang ang ibig sabihin nito, may following na ang mga bagets na kasali sa Starstruck V.

Ganyan ang basehan noon ng mga movie pro­ducer sa kanilang mga coming soon movie. Mas natu­tuwa sila kapag marami ang humihingi ng passes dahil nangangahulugan ito na type ng mga tao na panoorin ang kanilang pelikula.

Maaga ang calltime ko sa Araneta Coliseum sa Linggo kaya doon na ako magpapa-make up. Ka­kain muna ako sa aking favorite restaurant, ang Cafe Bola, bago ako tumambay sa dressing room namin nina Iza Calzado at Floy Quintos.

* * *

Walang dapat ikalungkot ang mga taga-pro­binsiya na hindi makakaluwas sa Quezon City para manood ng finals ng Starstruck V.

Ipalalabas din sa Linggo ang delayed telecast ng Starstruck V. Sa mga hindi pa nakakaboto, bu­moto na kayo sa mga contender na gusto ninyo na maging Ultimate Survivor. Dalawa lang (one boy and one girl) ang pipiliin na winner sa limang finalists. Hindi man mag-win ang tatlo, tiyak nang mag­ka­karoon sila ng show sa GMA 7 dahil kasali ito sa mga premyo na kanilang matatanggap.

* * *

Sinusubukan ng Startalk staff na mainterbyu si Car­lene Aguilar tung­kol sa balita na secretly married na sila ng kanyang boyfriend na si Yo Ocam­po.

Hindi ako sure kung dumating na si Carlene mula sa abroad dahil naging judge siya ng isang pageant para sa mga vaklush.

At dahil sangkot si Carlene sa isyu, sure ako na hihingin din ng mga reporter ang reaksiyon ni Den­nis Trillo tungkol sa pagpapakasal ng kan­yang ex-dyowa. Mahihirapan nang makaalis sina Dennis at Carlene sa anino ng isa’t isa dahil meron silang love child.

* * *

Marami akong naririnig na pangalan ng mga ma­la­laking celebrity na lilipat sa TV5 pero wala silang denial o kumpirmasyon na understandable dahil baka hindi pa tapos ang kanilang mga negosasyon.

Paniniwalaan ko ang balita na lilipat sa TV5 si ganito at ganireng artista kapag napanood ko na sila sa mga show ng TV network ni Papa Manny Pa­ngilinan. Mabuti na ang may ebidensiya kesa maniwala ako sa mga tsismis. Malay ba natin kung ikinakalat lang ng ibang artista na may offer sa kanila ang TV5 para makapag-demand sila ng guaranteed contract at mataas na talent fee sa kanilang mother studio?

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BAMBBI FUENTES

CAFE BOLA

CARLENE

DINGDONG DANTES

LINGGO

SHY

STARSTRUCK V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with