^

PSN Showbiz

Lara malungkot na malungkot

-

MANILA, Philippines - Susunduin na ni Rosata si Lara (Kris Bernal).

Pero nagmorph lang pala ulit si Bawana (Bianca King). Makukuha niya si Lara sa The Last Prince.

Darating si Almiro (Aljur Abrenica) para ipagtanggol si Lara, pero wala siyang laban sa kapangyarihan ni Bawana.

Matatangay ni Bawana si Lara at ikukulong niya ito sa pagkataas-taas na tore, ala-Rapunzel!

Alalang-alala si Almiro dahil hindi niya alam kung saan dinala ni Bawana si Lara. Maiisip nilang magpa­dala ng mga ibon para hanapin si Lara.

Malungkot na malungkot naman si Lara dahil kung kelan sila nabuong pamilya ay saka naman sila muling pinaghiwalay.

Patuloy na aapihin ni Mayang sina Adela/Lamara at Bambi. Awang-awa na si Adela/Lamara kay Bambi kaya lalaban na siya kay Mayang. Pero sa pag-aaway nila ay mababagok ang ulo ni Mayang. Parang napatay ni Adela/Lamara si Mayang!

Ipapakita ni Bawana kay Lamara/Adela ang ginawa kay Lara. Doon mapapa­tunayan ni Lamara/Adela na ang anak nga niyang si Lara ang tinutukoy ni Bawana.

Sa tulong ng mga ibon ay matutunton ni Almiro ang tore. Gamit ang mga pinabaong holen ni Anexi ay ibabato niya ito kay Lara. Magiging mahabang-mahaba ang buhok ni Lara. Ito ang gagamitin ni Almiro para maakyat ang tore. Pero darating si Bawana, puputulin niya ang buhok. Mahuhulog si Almiro!

Makikita nina Bambi at Lourdes na walang malay si Mayang. Galit na galit sila kina Bambi at Adela/Lamara. Mamamatay-tao raw talaga ang mga ito. Takot na tatakas sina Adela/Lamara. Pupunta sila sa mahiwagang mansion. Makikita ni Adela/Lamara si Rosata. Pero maabutan din sila ni Lourdes kasama ang mga tanod ng barangay! Hindi makakapagpakilala si Lamara kay Rosata. Tutulungan ni Javino (Geoff Eigenmann) the frog si Sonia sa paga-apply sa isang vet clinic. Kakausapin niya ang lahat ng hayop doon para maging magiliw at malapit kay Sonia (Carla Abellana).

vuukle comment

ADELA

ALJUR ABRENICA

ALMIRO

BAMBI

BAWANA

LAMARA

LARA

MAYANG

PERO

ROSATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with