Aktres napilitang mag-resign para mawala ang stress
Ang EP ng iniwang show ang nakabangga ng isang aktres, kaya masakit man sa loob at kahit kailangan niya ng pera at may malaki siyang gastusin na hinaharap, ginusto pa ring mag-resign. Ang mawala ang stress at problema ang kapalit nang pagre-resign ng aktres sa show na matagal din niyang nilabasan at kanyang minahal.
Pinigilan ng mga kasama sa show ang aktres na mag-resign dahil matagal na silang magkakasama. Ipinaliwanag ng aktres sa mga kaibigan ang kanyang sitwasyon at naintindihan siya ng mga ito.
Pa-guest-guest muna ang aktres ngayon at umaasang mabibigyan ng regular show sa malapit na hinaharap dahil kailangang-kailangan niya ng pera para sa kanyang pamilya.
* * *
Hindi lang si Kris Aquino ang nagtanggol kay Judy Ann Santos sa ipinahayag ni Sen. Jamby Madrigal sa pagkuha ng celebrity endorsers ng mga kandidato. Pati ang kaibigang si Iza Calzado ay nag-react din at ipinagtanggol si Judy Ann.
Tweet ni Iza: “FYI: I don’t think you would have won in the 2004 election if not for Judy Ann. At least be grateful about it. Juday forever!”
Samantala, ginagampanan ni Iza ang role ni Maria Makiling sa Panday Kids, Reyna ng Kagubatan at mga Engkanto.
Tuwang-tuwa ang aktres dahil kasama rin siya sa Panday movie ni Sen. Bong Revilla at ngayon, sa TV version na mga bata ang bida.
Pinasasalamatan ni Iza ang staff ng Panday Kids dahil alaga siya sa pagkain at nag-utos pa raw ang staff na ibili siya ng lettuce para sa kanyang salad gayung malayo ang location nila.
* * *
Tumawag si Tess Gubi ng Star Magic para ibalitang hindi matutuloy sa musical na Flower Drum Song si Piolo Pascual na nasulat namin kahapon. Conflict ng schedule ng aktor ang rason kung bakit hindi nito natanggap ang offer ng Cultural Center of the Philippines to portray the role of Ta sa nabanggit na musical na tatakbo from October to November.
- Latest