^

PSN Showbiz

Juday at Sarah isasakripisyo ang personal na kaligayahan

-

MANILA, Philippines - Sa ngayon pa lang ay nagdiriwang na ang showbiz industry da­hil sa inaareglong pagsasama sa pelikula ng Teleserye Queen, Judy Ann Santos, at ng Pop Princess, Sarah Geronimo, na ipo­prodyus ng Viva Films.

Proud na proud dito ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario.

“Ito ang first time that Juday and Sarah will be seen in one movie. That is a casting coup in itself. Pero bukod sa kanilang da­la­wa, we also enlisted veteran actress Gina Pareño and young actor Luis Manzano to join the cast. This is big,” diin ng produ.

Hindi lang ang mga artista ang binigyan ng halaga ng Viva Films, kinuha rin ang subok na tandem nina Wenn Deramas at Mel Mendoza-del Ro­sario, ang director at writer, na siya ring nasa likod ng Ang Tanging Ina at ng sequel nito.

Ang working title ng Juday-Sarah film ay Hating Kapatid. Istorya ito ng magkapatid na sina Rica at Cecilia na sa sobrang pagmamahalan ay kanyang isasakripisyo pati ang personal na kaligayahan.

Isang romance-comedy ang pelikula kaya patatawanin at paiiyakin ang mga manonood nito. Walang problema sa dalawang bigating artista dahil kayang-kaya na nila ang ganoong forte. Tiyak na mas magiging close ang mga pamilya sa Hating Kapatid.

First time rin na magiging love interest si Luis ni Sarah. Kasali pa ang hit na komedyante ngayon na si Vice Ganda para mas pasayahin ang rom-com film nina Juday at Sarah.

vuukle comment

ANG TANGING INA

GINA PARE

HATING KAPATID

JUDAY AND SARAH

JUDY ANN SANTOS

LUIS MANZANO

MEL MENDOZA

POP PRINCESS

SARAH GERONIMO

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with