Mark ayaw madaliin si Ynna
Isang teacup chihuahua ang Valentine gift ni Mark Herras kay Ynna Asistio na hindi rin nagpahuli sa regalo ng aktor at binigyan naman nito ng heart-shaped cake si Mark. Kung ano ang ibig sabihin ng mga regalo ng isa’t isa, sila lang ang nakakaalam.
Sabi ni Ynna, hindi pa pormal na nanliligaw si Mark at ayon naman sa aktor, hindi niya minamadali ang panliligaw sa dalaga pero alam nitong special ito sa kanya.
May feeling kaming ’pag nanligaw na nang bonggang-bongga si Mark kay Ynna ay malaki ang pag-asa nitong sagutin siya at maging first boyfriend ng dalaga.
Basta si Jennylyn Mercado, nang usisain ng press kundi ba sila magkakabalikan ni Mark, ang agad na sagot, “Naku, baka magalit sa akin si Tita Nadia Montenegro (Ynna’s mom).”
Mas madalas ang pagkikita nina Ynna at Mark dahil magka-loveteam sila sa Diva. Second time nang magkapareha ang dalawa’t una silang pinagpareha sa Mga Mata ni Anghelita.
* * *
Sa launching ng pagko-cover niya sa Men’s Health ng Summit Publications, nabanggit ni Piolo Pascual na may mga bago siyang gagawin sa kanyang career this year at hindi na nag-elaborate at hintayin na lang sabi niya.
Siguradong isa sa mga bagong gagawin ni Piolo ay ang paglabas sa theater dahil tinanggap niya ang role ni Ta, ang male lead sa musical na Flower Drum Song. Produced ito ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at Tanghalang Pilipino at naka-schedule mula Oct. 15 hanggang Nov. 7 sa Main Theater ng CCP.
First time ni Piolo na gumawa ng musical at tiyak na excited na ito. Wala pang balita kung sino ang kapareha niya at gaganap na Mei Li na minsan nang ginawa ni Lea Salonga.
* * *
Napili na ang Final 5 ng StarStruck V at pare-parehong iniyakan nina Sarah Lahbati, Diva Montelaba, Steven Silva, Enzo Pineda, at Rocco Nacino ang pagpasok nila sa finals dahil dalawa sa kanila ang mapipiling Ultimate Male and Female winners.
Ang half-Japanese na si Nina Kodaka ang hindi napasama sa Final 5 at sa lungkot ba o sama ng loob, hinimatay ito at kinailangang alalayan sa pag-upo para ’di matumba.
Bumisita kami sa thread ng StarStruck V sa PEX para malaman ang sentiments ng mga fans at ’yun na, may nagsisisihan sa pagkalaglag ni Nina at may nagtraydor sa grupo ng mga fans.
Nabasa rin naman ang mahabang post ni Rox Montealegre, isa sa mga unang natanggal at considered Avenger na naglabas ng sama ng loob kay Rocco. Hindi makakatulong kay Rocco ang post ni Rox na nakatikim sila ni Princess Snell nang hindi magandang ugali ni Rocco at ’di sila nirespeto. Nagwawala rin umano ang binata ’pag nalalasing. True ba ito?
May “oust Rocco campaign” pa si Rox at nakiusap namang iboto sinuman sa apat na kalaban ni Rocco. Aalamin namin ang pinagmulan ng isyung ito, pero ang alam nami’y manalo’t matalo, may naghihintay ng show sa GMA-7 si Rocco.
* * *
Sa Full Time Moms, patutunayan nina Eugene Domingo, Amanda van Coolley, at Maureen Larrazabal na hindi kailangan ang lalaki para sumaya ang buhay. Pare-parehong single ang tatlo, masaya at kuntento sa kanilang mga buhay.
Sina Christine Jacob-Sandejas at Suzi Entrata-Abrera ang mga hosts ng Full Time Moms na napapanood sa Q Channel 11, 7:30 p.m., Monday to Friday.
- Latest