^

PSN Showbiz

Belo nagpapasalamat sa Sto. Niño

-

MANILA, Philippines - Inihandog ng Belo Medical Group ang isang makulay at mabulaklak na float na kasali sa grand Sinulog parade sa Cebu noong nakaraang buwan. Ang mga celebrity endorsers na sina Lucy Torres, Claudine Barretto, Derek Ramsay at Matteo Guidicelli ay nakaw-eksena naman sa ibabaw ng float.

Katabi ng float, naglakad ang mga naggagandahang models na mala-diwata ang costume at walang tigil silang namimigay ng mga produkto ng Belo Essentials.

Si Joji Dingcong, corporate imaging at branding specialist ng Belo, ang nanguna sa magandang kinalabasan ng float sa parada. Kasabay ng mga tao mula sa Belo at ang local coordinator sa Cebu na si Anna Conejero ng Graphic FX, naging matagumpay ang pagsali ng Belo sa Sinulog. Ang gumawa ng float ay si Walfrey Mercado at ang kanyang team.

Maliban sa pagsali sa parade, naging sponsor din ang Belo Medical Group at Belo Essentials sa Miss Cebu beauty pageant at namigay sila ng special awards sa mga nanalo. Kasali si Direk Quark Henares sa panel of judges.

Isang taon na ang lumipas mula nang magbukas ng Belo clinic sa Ayala Center Cebu at ‘di hamak na naging malapit na sa puso ni Dr. Victoria Belo ang mga Cebuano.

Ang Ambassadress of Beauty (Belo) ay tubong Cebu, kung saan siya ipinanganak, kaya nais din niyang makibahagi sa tradisyon ng pagpapasalamat sa Santo Niño.

vuukle comment

ANG AMBASSADRESS OF BEAUTY

ANNA CONEJERO

AYALA CENTER CEBU

BELO

BELO ESSENTIALS

BELO MEDICAL GROUP

CEBU

CLAUDINE BARRETTO

DEREK RAMSAY

JOJI DINGCONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with