^

PSN Showbiz

TV reporter ginagamit ang TV5 para magpa-presyo

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Here’s a tale of two singers last Valentine’s Day.

By now, nakalipad na patungong New York si Lea Salonga for a couple of shows that will last until March - na siya namang pagdating ni Ogie Alcasid from a local gig to spend the night with girlfriend Regine Velasquez.

Hindi alintana ni Lea ang kawalan ng asawang si Richard Chien sa espesyal na araw kahapon - habang buong ningning na sinabi ni Regine na, “Magse-sex na lang kami ni Ogie sa gabi.”

* * *

Naghihimutok ang isang kawani ng TV 5, paano naman kasi’y isinasangkalan umano ng ilang talent mula sa ABS-CBN o GMA 7 ang naturang istasyon sa ka­nilang planong paglipat dahil pinipirata sila with a promise double, triple, even quad­ruple their talent fees.

’Ika nga, sinasamantala raw ng mga talents ng dalawang higanteng network ang pag-alagwa ng TV 5 having infused into its news and production departments quite a number of talents from either network.

Take the case of a male field news reporter (hindi ko na babanggitin from which station), nagpasabi kasi ito sa desk na ino-offer-an siya ng Singko with a much higher pay. Dahil may contact ang desk sa TV 5, he conducted an informal check.

Ang resulta: There was no offer at all.

* * *

Maging ang walang kalaban-laban palang billboard ni Kim Atienza sa South Super Highway ay ipinabaklas ni Manila City Mayor Alfredo Lim, to think na hindi naman ’yon isang political fixture.

Anyway, todo-suporta si Kuya Kim sa kanyang ama in the latter’s bid to reclaim the mayoral seat. Hindi nga matatawaran ang popularidad ngayon ng TV personality, na graduate ng masscom in case most people don’t know.

Samantala, patuloy pa rin sa pag-ere ang May­nila ni dating DENR Secretary Lito Atienza na isinu­sulong ng programa niya ang Pinoy family values as well as promoting the environs of the city. Isa sa mga hangarin nga ni Ginoong Atienza ay ang panu­numbalik ng recreational joints along the Roxas Bou­levard strip na walang habas na ipinatanggal ng sumunod na mayor, without realizing that the demolished structures were government properties.

ALFREDO LIM

GINOONG ATIENZA

KIM ATIENZA

KUYA KIM

LEA SALONGA

LITO ATIENZA

MANILA CITY MAYOR

NEW YORK

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with