Melai big winner ng PBB Double Up!
Ipinagkakapuri ng buong bansa ang pagkapanalo ni Melai sa PBB Double Up.
Pinuri ng sambayanang Pilipino na sumaksi sa pananalo ng nag-iisang babae na nakabilang sa Big Five ng Pinoy Big Brother nung Sabado, isang araw bago ang Valentine’s Day at Chinese New Year.
Buong tapang na ipinamalas niya sa mundo na maaari talagang pumantay ang isang babae sa lalaki hindi lamang sa mga pagsubok na mental kundi maging pisikal. At kung pakasusuriin na apat ang lalaking nakalaban niya, talagang mas nasilayan ang kanyang supremacy above all her competitors. Unlike the challenge na pinaglabanan nina Jason at Johan para sa premyong bahay at lupa, na halata namang ibinigay ng kusa sa huli ni Jason bilang simbolo ng kanyang kagandahan ng puso, ang pagiging matibay ng isang Melissa Cantiveros ay hinahangaan ng lahat nang magawa niyang tumayo ng mahigit 10 oras sa gitna ng swimming pool na nakadipa ang dalawang kamay at nakatayo lamang sa nag-iisang paa. It was a big feat para sa atin pero minani lamang ng babae na ngayon ay kapantay na ang popularidad dito sa bansa ng kababayan niyang si Aling Dionisia.
It was a most exciting proclamation night na tinawag na Big Date on a Big Night.
Ang ganda-ganda rin ng tatlong host ni Kuya na sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, at Bianca Gonzales. Matagal din silang pinahirapan kung sinuman ang gumawa ng kanilang mga isinuot dahil hindi ito angkop sa maraming pagpapalit nila ng lugar habang nagho-host.
Napansin ko rin na parang mas magaganda ang ginawang damit para kina Toni at Mariel, kesa kay Bianca. May identical gowns pa sila Mariel at Bianca na kung hindi lamang nila sabay na isinuot ay aakalain mong naghiraman lamang sila.
Buti na lamang, tulle yung gown ni Melai nang lumabas matapos siyang ideklarang big winner. I’m sure nagkabutas-butas yun sa tama ng mga fireworks na dinaanan niya papuntang stage.
Sabi ko nung una, bagaman at isang Melai supporter ako, okay lang kung manalo si Paul Jake pero nang ia-announce na ang top two winners, I hoped and prayed na si Melissa ang manalo.
Siya nga! Hindi nasayang ang mga text votes na ipinadala ko sa kanya para man lamang mabalanse ang inaasahan kong pagbuhos ng maraming text votes para kay Paul Jake na sinasabi nilang lahat na mayaman.
For the first time in my life, I felt like a fan. Matagal ko nang hindi nararamdaman ang feeling na ito, not that I’m no longer in awe of Christopher de Leon and Chad Borja, na talaga namang hanggang ngayon ay hinahangaan ko pa, pero talagang pinahanga ako ng isang di kagandahang babae sa telebisyon na maganda pala sa personal, and hopefully may maganda pang puso.
Maliit palang tao si Jason. Mas mataas pa yata si Melai sa kanya pero, cute siya, napaka-simpleng tao sa ipinamalas niyang kasiyahan nang tawagin siyang third big winner. Sana ma-extend yung na-form nilang relationship ni Melai kahit tapos na ang PBB.
At si Melai, sana totoo at hindi peke yung mga ugaling nakita sa kanya ng lahat sa loob ng bahay ni Kuya. Kung hindi, ako ang unang-unang malulungkot.
* * *
Isang Monchito Nocon, nagpakilalang publicity and promotions officer ng isang bagong movie production, ang Happyland ang nagpadala sa akin ng info tungkol sa ginagawa nilang pelikula, ang kauna-unahang football movie na dinidirek ni Jim Libiran.
Tampok sa pelikula ang mga young players mula sa Tondo, ang Fukaleros. Walang kakayahan ang Happyland na magsanay ng mga artista sa sport na ito kaya kumuha na lang ito ng mga kabataang football players mula sa mga koponan sa Tondo at pinaturuan sila sa isang Peter Amores, isang mahusay na football coach. Sa loob lamang ng 24 buwan ay naging mahuhusay na manlalaro ang lahat.
Hangad ng Happyland na makagawa ng isang kasiya-siyang pelikula.
- Latest