Parehong spoiled noon: Danica at Matet lumabas na ideal wife and mother
MANILA, Philippines - Pang-Valentine’s Day pa rin ang episode na mapapanood sa Life and Style with Ricky Reyes ng QTV 11 ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas onse ng umaga.
Panauhin ang marriage counselor na si Rev. Jun Matundan at psychologist Dr. Juadiong na magpapayo tungkol sa mga problema ng mag-asawa. Kikiligin naman kayo sa mga kuwento ng dalawang couple na matagal nang ikinasal at may anak na. Sina Matet de Leon at Mickey Estrada at Danica Sotto at Mark Pingris.
“Nakatutuwa na ang dalawang spoiled na anak ng mga celebrity na sila Matet at Danica’y lilitaw na ideal wife at mother. At alam din nilang gampanan ang papel ng dakilang maybahay na inaalagan ang asawa’t anak at marunong magluto at mag-ayos ng tahanan,” sey ng host-producer na si Mader Ricky.
- Latest