Buboy bunga ng panggagahasa!
MANILA, Philippines - Si Robert “Buboy” Villar nabuo dahil sa panggagahasa? At nang lumaki, naging simbolo ng kayabangan ngunit may mabuting kalooban. Lumaki siyang kulang sa atensiyon ng masamang ina na si Rossana. Ang dahilan, nga ay ang ama niya ay isang siga na gumasa sa nagluwal sa kanya.
Pero hindi sa totoong buhay. Kundi sa kanyang bagong programa na Panday Kids sa GMA 7. Kasama siya sa matapang, matalino at may busilak na puso na mga bata sa bago at inaabangang obra ni Carlo J. Caparas sa primetime block ng GMA 7.
Ang Panday Kids ay sequel sa isa sa pinakamatagumpay na likha ni Caparas, ang Panday. Pagbibidahan ang Panday Kids ng tatlong bata na pinagkalooban ng natatanging kapangyarihan upang labanan at harangin ang paghahasik ng lagim ng Hari ng Kasamaan, si Lizardo.
Sisimbolo naman bilang tapang sa mga Panday Kids si Julian Trono bilang Hadji, ang guwapong Muslim na batang ulila na sa magulang. Naranasan ni Hadji ang magulong buhay sa Mindanao na naging dahilan upang magkawalay sila ng kapatid na si Fatima. Tahimik, masipag at magalang, pinagkalooban si Hadji ng angking talento sa martial arts at paggamit ng espada.
At ang pangatlong batang pipiliin ng shard ng Panday ay si Sabrina Man bilang Charlie, ang simbolo ng talino sa mga Panday Kids. Maganda ngunit bratinella, lumaki na may marangyang buhay si Charlie ngunit hindi siya masaya dahil alam niyang siya ay ampon. Hindi niya alam kung saan siya nagmula dahil pilit na inililihim ang kanyang tunay na pagkatao.
Tatlong ordinaryong bata ang magpapatotoo na wala sa laki ang galing para hiranging Panday Kids. Simula na ng kanilang pagkikipagsapalaran at paglalakbay ngayong Pebrero 22 sa GMA Telebabad.
- Latest