^

PSN Showbiz

Away sa ina inililihim ni Rhian Ramos

- SEEN SCENE -

Seen : Ang pagdalaw nina Steven Seagal at Jean Claude Van Damme sa practice ni Manny Pacquiao sa Wild Card Gym. Mga has-been action star ang bumibisita kay Manny.

Scene : Walang boto na makukuha mula sa fans ni Judy Ann Santos si Senator Jamby Madrigal dahil sa pahayag nito na nagsisisi siya sa pagkuha ng serbisyo ng artista sa kanyang kandi­datura sa pagka-senador noong 2004. Nanalo noon si Jamby dahil sa endorsement ni Judy Ann.

Seen : Iniiwasan ng kampo ni Rhian Ramos ang mga tanong tungkol sa engkuwentro nila ng kanyang ina. Makakasira sa wholesome image ni Rhian ang mother-daughter story.

Scene : Ang palpak na live concert ng PBB Big 5 noong Huwebes. Masakit sa tenga ang kanilang mga boses na sintunado.

Seen : Ang malaking pagkakahawig ng kuwento ng Rubi sa Kaya Kong Abutin Ang Langit. Isang Mexican novela ang Rubi na ipinalabas noong 2004 na ginawan ng Tagalog version ng ABS-CBN at 1984 nang ipalabas sa mga sinehan ang Kaya Kong Abutin Ang Langit na nagkaroon ng TV remake sa GMA 7.

Scene : Ang away ng lola at ina ni Charice na gustong iparating kay Oprah Winfrey para maturuan nito ng leksiyon ang mga uri ng tao na kanyang tinutu­lungan na nagbabangayan dahil sa salapi. Naka­kahiya sila!

Seen : Sina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco noong Huwebes ng gabi sa concert ni David Benoit sa PICC Plenary Hall. Nanood din si Lea Salonga at ang asawa nito na si Rob Chien.

Scene : Ang snowstorm sa Washington DC. Miss na miss na ni dating US Ambassador Kristie Kenney ang warm weather sa Pilipinas.

vuukle comment

DAVID BENOIT

GRETCHEN BARRETTO

HUWEBES

ISANG MEXICAN

JAMBY MADRIGAL

JEAN CLAUDE VAN

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT

KRISTIE KENNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with