Carmina bayad ng dalawang taon sa GMA 7
MANILA, Philippines - Sa kauna-unahan palang pagkakataon ay ipinaalam ni Big Brother ang actual na percentage of votes ng Big Five ng Pinoy Big Brother Double Up sa gaganaping Big Night sa Sabado sa Ninoy Aquino Stadium.
Base raw sa bilang ng mga botong pumasok hanggang Martes (Feb 9), si Paul Jake ang nangunguna sa labanan para maging Big Winner matapos makuha ang 31.66 percent ng lahat ng boto. Sumunod naman si Jason (23.21%), si Melisa (20.39%), si Johan (13.39) at si Tibo (10.81%).
Mayaman daw ang angkan ni Paul Jake kaya afford nitong magpadala ng boto sa text. Paalala naman ni PBB host Toni Gonzaga na maaari pang magbago ang bilang ng mga boto dahil puwede pa ring bumoto ang lahat hanggang sa araw mismo ng Big Date on the Big Night sa Sabado (Feb 13).
Samantala, ngayong gabi magaganap ang The Big Kapamilya Challenge kung saan nakipagsanib-puwersa ang bawat housemate sa kani-kanilang kapamilya para paglabanan ang malaking pa-premyo ni Kuya.
Patapos na naman ang PBB pero wala pa ring may alam kung ano talaga ang hitsura ni Kuya. Nagkasakit na siya’t lahat, pero hindi pa rin siya nagpakilala.
Anyway, hayaan na natin siya. Baka hindi siya kaguwapuhan kaya ayaw niyang ipakita ang kanyang mukha.
* * *
Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Carmina Villaroel sa GMA 7. Guaranteed contract, kaya kahit hindi siya magtrabaho, kikita ang actress.
Isa sa kanyang magiging programa ay ang comedy show with Michael V. na magiging kapalit na programa ng tsuging Showwwtime ng komedyante, Pepito Manoloto.
Biglang pinapirma ng kontrata si Carmina dahil naalarma ang Kapuso Network na layasan sila ng actress dahil nawalan na ito ng programa sa kanila.
Bukod sa per project na offer ng ABS-CBN, may offer din ang TV5 kay Carmina kaya napadali ang pagpirma nito ng kontrata sa GMA 7.
- Latest