^

PSN Showbiz

Diether pumiyok, Shaina nailang sa love scene dahil hindi niya kaedad

- Veronica R. Samio -

Kahit anong pang-iintriga ang gawin ng marami kay Diether Ocampo dahil nakatakdang pumasok ng showbiz ang kanyang girlfriend ay bigong mabigyan siya ng feeling of insecurity.

Mukhang secure na secure si Diether na hindi maaagaw ang kanyang girlfriend.

“Aaminin ko na marami pa ring nanliligaw sa kanya kahit kami na pero hindi ako worried dahil mature na siya, alam na niya ang masama at mabuti. Besides, wala naman siyang ginagawang masama na dapat kong ipag-alala. Hindi rin siya selosa, palagi siyang nasa lugar,” pagmamalaki niya.

After Only You, kasama na naman siya sa Rubi na nagtatampok kay Angelica Panganiban.

May mga intimate scenes sila na hindi naging mahirap gawin dahil pare­ho silang professio­nals.

“Meron din kaming ga­nitong eksena ni Shaina (Magdayao) pero un­ders­tandable naman na hindi siya maging relax dahil si­guro sa age difference namin. Sa akin okay lang, pero nanaig ang profes­sionalism ni Shaina, naging kampante na siya.”

Dahil sa marami niyang charity works, marami ang nag­tatanong kung may balak ba siyang pumasok ng pulitika.

“Never ko itong binalak, magulo ito, too serious,” sabi ni Diet.

* * *

Palaging masayang kau­sap si Coney Reyes na ka­sa­ma rin sa Rubi bilang ina ni Diether Ocampo.

Huli siyang napanood sa Isabela na sinasabi niyang sobrang napaka-hectic noon kumpara sa Rubi ngayon. Mas may time siyang magpahinga ngayon kesa nun.

Excited si Coney nang makita ko sa grand presscon ng Rubi. Enjoy siyang magsayaw sa stage, although later on tinanong niya ako kung hindi ba siya nag-OA. Sabi ko okay lang dahil yun naman ang tema ng presscon, a Latino celebration at may dahilan siyang mag-celebrate dahil nakakadalawang apo na siya sa kanyang anak na si Lawrence Anthony Mumar, LA nung mag-artista ito. Isinilang ang second baby nito na nagngangalang Mateo Lauro nung February 4. Lorenzo Antonio naman ang pangalan ng panganay nito na two years old na.

May magandang trabaho na rin ang nag-iisang anak na babae ni Coney na si Carla Mumar habang ang bunsong si Vico Sotto, yes ang ipinagmama­laking anak naman ni Bossing Vic, ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo.

“Pag graduate ni Vico sa college, tatanggap ako ng mas maraming assignment. Ano pa ang gagawin ko, wala naman akong asawa, babalik na lang ako sa pag-aartista,” sabi niya.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLA MUMAR

CONEY REYES

DAHIL

DIETHER OCAMPO

LAWRENCE ANTHONY

LORENZO ANTONIO

RUBI

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with