Kris kinakarir ang panghihingi para kay Noynoy
Kung natuloy ang pa-presscon ni Mother Lily para kay Sen. Noynoy Aquino sa February 14, mag-uuwi sana ng katakut-takot na raffle prizes ang press. Six LCD TV sets, six washing machine, six Philip Stein watches, at P100,000 worth of Boardwalk gift certificates ang kinarir ni Kris Aquino na hingin at ipamimigay sa 100 invited press.
Pero nakansela ang presscon at ‘di pa alam ni Kris kung kailan matutuloy dahil sa nasabing petsa, na birthday niya lang libre si Sen. Noynoy. Ang manager niyang si Deo Endrinal na rin ang sponsor ng presscon bilang birthday gift kay Kris.
* * *
Susubukan ng GMA-7 ang tambalan nina Ynna Asistio at Joross Gamboa sa SRO Cinemaserye Presents…Meet the Fathers na magsisimula sa Thursday, February 11. Tsika ng dalawa, nagulat sila dahil first taping day pa lang, komportable na sila sa isa’t isa at parang matagal nang magkapareha.
Hindi raw namroblema sa kanila ang production staff dahil sa pictorial lang sila nagkahiyaan ng konti, pero pagkatapos noon, friends na sila at nagkukulitan. “Puwede” ang reaction ni Joross sa biro naming kaya friends agad sila ni Ynna dahil close siya kay Mark Herras na BF daw ni Ynna.
Parehong “pakikiligin namin ang viewers” ang message nina Ynna at Joross sa viewers na manonood sa Meet the Fathers sa direction ni Andoy Ranay.
* * *
Kahit break na sina Isabel Oli at Paolo Contis, may komunikasyon pa rin ang aktres sa pamilya ng actor, pero nakiramay at pumunta kaya sa burol ng ama ng ex si Isabel? Maiintindihan naman siguro nina Paolo at Lian Paz kung makiramay si Isabel.
Anyway, ang kasama kaya sa concert ni Kris Allen ang rason kung bakit tinutukso ni Richard Gutierrez na “blooming” ang aktres? Nag-blush si Isabel sa kantyaw ni Richard sa taping ng Full House na kaya siya blooming dahil in-love na itinanggi ng dalaga.
Wala pang next project si Isabel after Full House, pero sa ipinakita niyang galing sa “the other girl” role, tiyak na bibigyan siya ng bagong project ng GMA-7. Masaya si Isabel na nagampanan niya ng tama ang role ni Elaine na kinaiinisan ng maka-Justin (Richard) at Jessie (Heart Evangelista) at gusto siyang sakalin sa inis.
* * *
“Be kind” ang pakiusap ni Juliet Bahala, ang bagong vocalist ng MYMP sa press sa presscon/launching kung saan pormal siyang ipinakilalang kapalit ni Juris Fernandez.
Pero walang dapat ikatakot si Juliet na agad siyang nagustuhan ng press dahil magaling kumanta at magugustuhan ng MYMP fans.
Para mas makilala pa ng fans si Juliet, may pre-Valentine concert ang MYMP sa Music Museum sa February 12, billed MYMP Now: Prouder Than Ever produced ng VIP Acces Media Productions. Tickets are at P1000, P800 and P500 and available at Ticketworld outlets and Music Museum ticketron.
- Latest