^

PSN Showbiz

Lotlot kinumpirma: Nora Aunor nag-aalaga lang sa bagong opera sa Amerika

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nagkaroon na rin ng katapat na programa ang It’s Showtime ng ABS-CBN via Diz Iz It! ng TAPE, Inc. Ipinalalabas ito sa GMA-7 at tampok sina Bayani Ag­­ba­­yani, Sam YG, Grace Lee, at Ehra Madri­gal bilang hosts.

Ang bagong programa na nagsimulang ume­re kahapon, ay isang talent, brains, and wit show na inaasahang magbibigay sa mga partici­pants ng pera sa winner-take all game. Ang win­ner dito ay makapag-uuwi ng P30,000 at kung manalo pa siya sa talent portion, puwede itong umabot sa P80,000!

* * *

Kaya pala masaya si Lotlot de Leon, na-meet na nito ang kanyang tunay na ama’t ina nang pumunta siya ng Amerika recently. Hindi nga lamang ang real parents niya ang magka­sama dahil parehong may kanya-kanyang pa­mil­ya na ang mga ito. Hindi rin nagkapanga­sa­wa­han ang mga ito dahil pamilyado na ang dad niya when her mother conceived her.

Bagama’t ina-acknowledge siya ng kanyang ama, hindi nila ma-open sa pamilya nito ang relasyon nila. Okay na ito kay Lotlot who is back to her acting career. Katunayan, kasama siya sa Gumapang Ka sa Lusak, bagong ser­ye ng Siete.

Happy siya na nagkita sila ni Nora Aunor nang pumunta siya ng US. Doon siya tumuloy kay Nora na nag-aalaga kay Sajid Khan na kao­­o­pera pa lamang. Sinabi niyang totoong uuwi ito. Soon!

* * *

Kainggit-inggit ang friendship nina Bong Re­villa, Jr. at Jinggoy Estrada, parehong tumatakbong reeleksyunista bilang senador ng Pilipinas. Kahit magkaiba sila ng political affiliations, hindi ito hadlang para ikampanya nila ang isa’t isa.

Karangalan din naming mga taga-showbiz na kumandidato sila’t manalo dahil palaging kasama sa agenda nila ang mun­dong pinang­galingan nila at ang mga kapwa nila artista at mang­ga­gawa sa pelikula. Sa kanilang tatlo nina Lito Lapid, na isa ring senador, nakakita ng malaking pag-asa ang mga taga-pelikula.

* * *

Saan kaya nakukuha ’yung mga sur­­veys sa pulitika, lalo na pagdating sa mga presi­dentiables?

At maging senatoriables? At gaano kaya katotoo ito? Alam ko, ’di man nila aminin, may mga kan­di­datong naa­apek­tuhan nito, kaya nga sila nangga­galaiti pa sila min­san sa pagsa­sabing hindi dapat pa­ni­­walaan ang mga sur­veys. Na­ngungulelat kasi sila.

Oo nga naman. Madali lang sabihin na 100 o 1000 ang nag-respond sa sur­vey pero paano natin ma­la­la­man kung totoo ito o hindi?

Pag-aralan nating ma­buti ang pagpili ng kan­didato. Sina­sabi nating matatalino tayo pero ma­da­las pa rin tayong mag­ka­mali. Kaya nga hin­di uma­asenso ang bansa natin. Ma­rami na tayong leksyon na pi­nag­­dada­anan pero hindi pa rin tayo natututo. Ngayon da­pat masunod ang sina­bi ni

Joseph “Erap” Es­tra­da noon na dapat walang kapa-kapa­tid at kai-kaibigan sa pagpili natin ng kandidato. Mas marami ang bilang ng ma­hihirap ngayon sa kabila ng pangyayaring tuwing eleksyon, sila ang pinapangakuan ng pag-asenso ng mga kandidato.

BAYANI AG

BONG RE

DIZ IZ IT

EHRA MADRI

GRACE LEE

GUMAPANG KA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with