^

PSN Showbiz

Richard at PEP mag-aayos na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Maghaharap ngayong umaga sa opisina ni Sec­retary Agnes Devanadera si Richard Gutier­­rez at ang staff ng Philippine Enter­tainment Portal (PEP).

Ang paghaharap nila sa Department of Justice ang kumpirmasyon nang kumakalat na balita na mag­kakaroon ng aregluhan sa pagitan ni Richard at ng PEP staff.

Kung magkakaayos ang magkabilang-panig, iuu­rong na ni Richard ang libel case na isinampa niya la­ban sa staff ng PEP at sa editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon.

Ang dinig ko, willing ang PEP at si Mama Jo-Ann na magbigay kay Richard ng public apology dahil sa maling balita na na-upload sa PEP website noong naka­­raang taon.

Pareho kong kaibigan sina Mama Jo-Ann at ang Gutierrez family kaya natuwa ako nang malaman ko na magkakaayos na sila. Napakaliit ng mundo ng show­biz para mag-iwasan ang mga artista at ang mga entertainment writers.

Saka, dati namang friends sina Mama Jo-Ann at Annabelle kaya mahirap ma-imagine na forever na silang enemies.

Malapit na ang 10th year anniversary ng YES! Magazine na si Mama Jo-Ann din ang editor-in-chief. Hindi ako magugulat kung invited sa party ng YES! si Bisaya at ang kanyang mga alaga dahil mag­kakasundo na sila ngayon.

* * *

Kahapon lang ako nakapunta sa burol ni Mr. Re­nato Contis, ang tatay ni Paolo na pumanaw noong Biyernes.

Ibinurol sa Arlington Funeral Homes ang mga labi ni Papa Renato at ngayong umaga ang cre­mation. Feel na feel ko ang kalungkutan ni Paolo pero pinipilit niya na magpakatatag. Si Paolo ang bunso ng pa­milya at ngayong wala na ang kan­yang tatay, siya na ang tatayo na padre de pamilya.

Nagluluksa man, hindi pa rin nawa­wala ang pagi­ging komed­yante ni Paolo. Alam ko naman na idina­daan niya sa pagpapatawa ang lahat pero ang totoo, malungkot na ma­lungkot siya.

* * *

Nag-umpisa na kahapon ang Diz Iz It at dahil pilot episode, nag-overtime ang talent-game show ng GMA-7 at TAPE, Inc.

Siksik na siksik ang show at laugh ako nang laugh sa tarayan ng mga mystery judges na sina Sita at Tera. Nakakaloka ang mga negative comments ni Sita huh! Kung mahina-hina ang loob ng mga con­tes­tants, tiyak na na-offend sila sa mga matataray na opinyon ni Sita na kausap ko lang kahapon at pilit akong hinaharbatan ng Technomarine watch.

Hindi ko puwedeng ibulgar ang mga tunay na ka­tauhan nina Tera at Sita or else, wa effect ang dra­ma nila na mga mystery judges sila.

Si Maricel Soriano ang celebrity judge sa pilot tele­cast ng Diz Iz It. Iba-iba ang celebrity judge dahil ngayong umaga, si Dennis Trillo naman ang ka-join nina Tera at Sita sa panghuhusga sa mga talented contestants nang pinaghalo na talent at game show ng GMA-7.

* * *

Dalawang presscon ang hindi ko pinuntahan kahapon dahil mas pinili ko na pumunta sa weekly meeting ng Startalk.

Hindi ako naka-go sa magkasunod na presscon ni Gilbert Remulla at ng announcement ng Picture Flawless winners. Hindi man ako nakapunta, ipinadala sa akin ni Shirley Pizarro ang press kit. Bukas ko na sasabihin sa inyo ang mga pangalan ng mga nag-win sa Picture Flawless at ang mga plataporma ni Gilbert na kumakandidatong senador sa ilalim ng partido ni Sen. Manny Villar. In good hands si Gilbert dahil mabuting tao ang presidentiable na kanyang sinusuportahan.

AGNES DEVANADERA

ARLINGTON FUNERAL HOMES

DENNIS TRILLO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIZ IZ IT

MAMA JO-ANN

PICTURE FLAWLESS

SHY

SITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with