Tambalang Travolta at Meyers patok sa From Paris With Love
MANILA, Philippines - Sa Hollywood, lagi na lang nagkakaroon ng tambalan ang mga actor na kakikitaan ng kakaibang chemistry.
Tulad na lamang ng bagong tandem nina John Travolta at Jonathan Ryhs Meyers na siguradong magiging celebrated sa mahabang listahan ng mga epektibong tambalan pagdating sa comedy.
Naiibang comedy na may drama ang mapapanood sa From Paris With Love mula sa director na si Pierre Morel. Tungkol ito sa karanasan ng dalawang magaling na actor na sina Travolta at Meyers kung saan ay mentor ang una sa huli pagdating sa pangarap nitong maging isang tunay na secret agent.
Parehong malaki ang respeto ng dalawang actor sa isa’t isa dahil bukod sa pagiging propesyonal ay kinilala na sila ng mga award-giving bodies sa Amerika pagdating sa kanilang galing sa pag-arte. Kahit na magkaiba ang istilo nila sa pag-atake ng kanilang roles sa pelikula ay epektibo itong lumabas sa kabuuan ng pelikula.
Mula sa Viva International Pictures, ang From Paris With Love ay magbubukas na sa February 24 sa mga sinehan.
- Latest