^

PSN Showbiz

Bea nakakaramdam ng takot

- Veronica R. Samio -

When it was announced that John Lloyd Cruz would be making a movie with Sarah Geronimo, naka­­ramdam ng takot si Bea Alonzo.

Inisip niya na baka mawala na siya sa eksena, na baka katapusan na yun ng loveteam nila ni Lloydie.

Pero sandali lang ito, naisip niya na hindi ganun kadaling buwagin ang isang pagsasamahan na matagal ding inaalagaan. When John Lloyd’s and Sarah’s movie hit an all time box-office hit, she felt genuinely happy for both her ka-loveteam and Cathy Garcia Molina, who directed his and Sarah’s movie, and also many of her films with John Lloyd in the past. When it was time for her to be paired with another actor, this time with Sam Milby and Derek Ramsay, she gave her best. Ang And I love You So was both commercially and critically successful.

Bea is back to John Lloyd’s arm in their latest Star Cinema movie, Miss You Like Crazy, isang pelikula na regalo raw nila sa kanilang mga fans na matagal ding naghintay ng kanilang reunion movie. Tungkol sa mag-sweetheart - John Lloyd and Maricar Reyes na kuntento at masaya sa kanilang relasyon pero dumating ang isang babaeng mula sa kan­yang pagtatrabaho sa Malaysia at pinaglayo sila.

Kinunan din ang ilang bahagi ng Miss You Like Crazy sa Malaysia bukod sa Pilipinas at palabas na ito sa Feb. 24.

* * *

Gagawing parang Quiapo ni Christian Bau­tista ang Indonesia kapag nagsimula na siyang mag-shoot ng kanyang teleserye dun. Hindi kasi niya maiiwan ng matagal ang ASAP dahil may regular segment siya rito at importante sa kanya ang mga-perform dito dahil mga kabarkada niya ang kasama. Tutal daw, tatlong oras lamang ang biyahe patungong Malaysia kung kaya magpapabalik-balik na lamang siya.

May nakatakda siyang Valentine concert sa Indonesia pero, sa March 12 at 13 nasa Music Museum naman siya para sa Christian Bautista : Romance Revisited concert. Pagdiriwang ito ng ika-15 taong anibersaryo ng ASAP.

* * *

Bukod sa pagiging pangunahing endorser ng presidential candidate na si Sen. Manny Villar, si Pidol din ngayon ang isa sa mga alas sa TV network ng isa pang rich and powerful Manny - ang TV5’s top honcho na si Manny V. Pangilinan. Patunay lang ito sa patuloy na lakas ng hatak ng Comedy King sa masang Pinoy. Isa si Dolphy sa natitirang lehitimong haligi ng showbiz industry na sa loob ng 66 na taon ay patuloy na nagbibigay ng saya at aliw sa madla!

Kilala sa pagkakaroon ng pusong mamon si Dolphy para sa mga kasamahan niya sa industriya na nangangailangan ng kanyang tulong. Sa desisyon niyang magtrabaho rin sa TV5, ipinakita niya ang kanyang pagmamalasakit at pagmama­hal sa mga kasamahan sa industriya, mula sa maliliit na artista hanggang sa mga beteranong manunulat.

“Inaasahan kong magiging fruitful ang pama­malagi ko sa TV5. Masaya ako at lubos akong natutuwa sa mainit na pagtanggap nila sa akin,” nakangiting pahayag niya. 

BEA ALONZO

CATHY GARCIA MOLINA

CHRISTIAN BAU

CHRISTIAN BAUTISTA

COMEDY KING

DEREK RAMSAY

DOLPHY

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MISS YOU LIKE CRAZY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with