TRABAHO NI PAOLO SA TV5 SIMULA NA
MANILA, Philippines - Simula na ang matinding news anchoring job ng premier TV host na si Paolo Bediones sa TV5 dahil siya ang moderator-host ng live presidential debate na Pagbabago 2010: The TV5 and PPCRV Presidential Forum, na gaganapin sa Miriam College Auditorium ngayong Linggo, February 7 at mapapanood sa TV5 ng 9:30 pm.
Organized by the Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) in cooperation with TV5 News and Public Affairs, ang Pagbabago 2010 ang kauna-unahang hosting assignment ni Paolo sa kanyang bagong home network. Sila ng co-host niyang si Anna de Villa-Singson ang magmomoderate ng debate kung saan sasalang ang 10 presidential candidates para ilatag ang kani-kanilang plataporma. “That part of the job appeals to me. I’ve always enjoyed debating and discussing even in my previous job,” paglalahad ni Paolo nang matanong tungkol sa kanyang bagong hosting job.
Magsisimula ang matinding debate sa pagitan ng dalawang kandidato sa Candidate vs. Candidate, na susundan ng Candidate vs. Panel of Experts, Candidate vs. Sectoral Groups, at ng Final Statement. Ilalahad ng bawat kandidato sa Final Statement ang kani-kanilang pamamaraan ng pamumuno, pati na rin ang mga binabalak nilang initial projects sakaling manalo sa pagkapangulo sa darating na halalan.
Lahat ng 10 presidential candidates ang nag-confirm sa paglahok sa much-anticipated forum kaya naman talagang rare opportunity ito para sa mga manonood .
- Latest